Pangarap na laptop ng mga estudyante, ibinigay ni Ma’am Melanie

    Pangarap na laptop ng mga estudyante, ibinigay ni Ma’am Melanie

    Laptop ang unang kailangan ng mga estudyante ngayong panahon ng pandemya. Ito kasi ang nagsisilbing tulay nila upang tuloy ang kanilang pangarap. Ang pagdalo sa mga online class at pag gawa ng mga pasulit ay lahat ginagawa sa tulong ng gadgets. Ngunit hindi lahat ng estudyante ay mapalad na may mga laptop. Marami sa kanila ang hindi makabili ng sariling gadget para sa kanilang klase.

    May isang guro sa Iligan City, Lanao del Norte ang gumawa ng paraan upang makatulong. Ito ay si ma’am Melanie Reyes Figueroa, 53, na nagtuturo sa Hinaplanon National High School. Maugong ang kanyang post sa Facebook. Binigyan niya kasi ng sariling laptop ang isa sa mga mag-aaral niya na si ‘Chrisken’. Gusto ni ma’am Melanie na may magamit ang mag-aaral niya tuwing sila ay nag-oonline class.

    melanie2

    Credit: FB/Melanie Reyes Figueroa

    “Every great dream begins with a dreamer, ”. – Ma’am Melanie

    Napakasaya naman nga kanyang estudyante sa biyayang natanggap nito mula sa kanyang guro. Hindi akalain ng mag-aaral ang biyayang ito.

    “A dreamer whose dream is about to begin. In behalf ni Chrisken, na until now na overwhelmed pa, maraming salamat sa mga donors sa kaniyang new laptop (Acer), my 3 high school batchmates na hindi nagpa-mention,” – ma’am Melanie

    m4

    credit: FB/Melanie Reyes Figueroa

    Hindi lamang pala si Chrisken ang mag-aaral na nabigyan ni ma’am Melanie ng laptop dahil may apat pa pala. Sadyang mapagbigay ang puso ni ma’am Melanie. Gumawa siya ng paraan upang makatulong sa kanyang mga mag-aaral.

    m6

    Credit: FB/Melanie Reyes Figueroa

     

    m7

    Credit: FB/Melanie Reyes Figueroa

    m8

    Credit: FB/Melanie Reyes Figueroa

    m9

    Credit: FB/Melanie Reyes Figueroa

    m10

    Credit: FB/Melanie Reyes Figueroa

    Ang mga nabigyan ni ma’am Melanie ay mga honor students na selpon lamang ang gamit. Talagang hindi masasayang ang mga tulong kung paniguradong pagbubutihin nila ang pag-aaral.

    See also  Advisory On RPMS-PPST for SY 2021-2022

    Syempre, hindi naman mabubuo ni ma’am Melanie ang tulong kung hindi rin dahil sa iba. May mga taong mabusilak ang pusong nagpaabot ng tulong para sa mga bata.

    “At ang funds po ay nagmumula sa mga friends ko po sa Facebook. Nagpapadala po kaagad sila everytime may post ako.”

    ‘Laptop para sa Pangarap” ang tawag ni ma’am Melanie sa proyekto niyang ito. Bukod sa laptop ay nakasanayan na din ni ma’am na e grant ang Christmas wish ng mapipiling mag-aaral niya.

    Isang napagandang ehemplo si ma’am Melanie sa lahat ng kaguruan at kabataan. Hindi lamang kasi nasusukat sa classroom ang pagiging guro. Ang pagtulong sa mga mag-aaral ay isa din sa pinakadakilang ambag ng mga guro sa bansa. – Clea | Helpline PH

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *