Skip to content

Senador isinusulong ang virtual classroom sa mga ‘di bakunadong estudyante

Senador isinusulong ang virtual classroom sa mga ‘di bakunadong estudyante

Isinusulong ni Senador Francis Tolentino na hindi dapat maging hadlang sa edukasyon ng mga mag-aaral ang hindi nila pagpapabakuna kontra Covid19.

Inimungkahi ni Tolentino ang pagkakaroon ng virtual classroom para makakuha rin ng dekalidad na edukasyon ang mga hindi bakunado.

Dapat aniyang isaalang-alang ang non- discriminatory measures sa bawat paaralan upang mabigyang proteksiyon ang mga estudyante at guro.

Ipinaalala ng senador na nasa ilalim pa ng state of public emergency ang bansa kaya dapat matiyak na patas pa ring maibibigay ang dekalidad na edukasyon sa lahat, bakunado man o hindi.

“What I meant was that unvaxxed status should not be a ground for denial of education nor expulsion. They can be accomodated in a separate virtual classroom to get the same quality education,” pahayag ni Tolentino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *