Skip to content

Mask-sharing sa isang graduation rites sa Bicol, inimbistegahan ng DepEd

Mask-sharing sa isang graduation rites sa Bicol, inimbistegahan ng DepEd

Ang Department of Education ay kasalukuyang nag-iimbestiga sa isang pangyayari sa may Bicol region kung saan ang mga estudyante ay naghihiraman ng mask para sa isang graduation pictorial.

Nagsisimula ng mangalap ang DepEd ng impormasyon sa nangyari sa tulong ng DepEd Region V.

Pinapasulat ng written letter of explanation ang mga sangkot sa pangyayari habang ang local DepEd COVID-19 Task Force ay minomonitor ang kalusugan ng mga mag-aaral na kasama sa naturang insidente.

Iginiit ng DepEd na pinapayagan lamang ang face-to-face interaksyon gaya ng graduation ceremony kung sumusunod sa tamang lagda ng IATF.

Dahil sa pangyayari, ay sininususpendi ng DepEd ang anumang face-to-face graduation rites at moving up ceremonies.

Nagviral sa social media ang video ukol dito at umani ng maraming negatibong komento.

Makikita sa video, na ang mga estudyante ng isang publikong paaralan sa Daet, Camarines Norte, ay salitan sa paggamit ng mask habang nagpipicture para sa isang graduation ceremony.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *