Gatchalian: “1 Learner, 1 Laptop” Policy para sa mga estudyante

“1 Learner, 1 Laptop” Policy

Isusulong ni Senador Sherwin Gatchalian na mabigyan ng laptop at internet access ang bawat estudyante sa bansa.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Gatchalian na sa ilalim ng kanyang panukala ihahalintulad sa tubig at kuryente ang laptop at internet access na hindi pwede mawala sa isang bahay.

Ayon sa senador, shared responsibilities ng mga magulang at gobyerno ang pagbibigay ng laptop at internet access sa bawat estudyante.

Sa kabilang banda, sang-ayon si Gatchalian sa limited face-to-face classes na mungkahi ng Department of Education. Ngunit paalala ng senador na dapat isagawa lamang ito sa mga mababa at walang kaso ng COVID-19.

Marami namang mga senador na tutol na isama sa pilot testing ng face-to-face classes ang Metro Manila.

READ  Mga rason kung bakit mas mainam na dadaan muna sa pagsusulit ang mga guro bago ang promosyon para sa pagiging Master Teacher

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *