Helpline PH

Your one-stop resource for government services in the Philippines

Pasok sa lahat ng Pampublikong Paaralang Elementarya at Sekondarya, SUSPENDIDO

Pasok sa lahat ng Pampublikong Paaralang Elementarya at Sekondarya, SUSPENDIDO

Idineklarang suspendido ang klase sa lahat ng Pampublikong Paaralang Elementarya at Sekondarya (Junior and Senior) sa lungsod ng Malolos mula ika-24 ng Marso 2021 hanggang ika-4 ng Abril 2021.

Ito ay bilang bahagi ng Preventive Measures upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 gayundin ay maprotektahan ang mga GURO, mag-aaral at magulang.

Batay ito sa direktiba ng Punong Lungsod Bebong Gatchalian kasama si Konsehal Nino Bautista at ang bumubuo ng Local School Board (LSB).

Hinihikayat din ang mga pribadong paaralan sa lungsod na magdeklara ng kaparehong Suspension ng klase.

Bahagi na din po ito ng paggunita sa Semana Santa.

Tinitiyak din ng SDO Malolos na hindi maaantala ang paglalatag ng mga kaalaman sa ating mga mag-aaral.

Credits to Konsehal Nino Bautista.

OUR LATEST POST