Viral na Pre-Wedding Tiktok Dance ng Dalawang Guro, Patok sa Netizens

    Viral na Pre-Wedding Tiktok Dance ng Dalawang Guro, Patok sa Netizens

    Maugong ngayon sa social media ang viral na “Pre-Wedding Tiktok Dance” ng dalawang guro. Ang kanilang mga sayaw kasi ay nakakadala at nakakatuwa. Maraming netizens ang kinilig sa bihirang pre-wedding dance na ito. Mahusay at sabay-sabay kasi ang indak ng bawat guro sa pagsasayaw. Makikita din natin sa kanilang video ang suot na bagong uniporme ng DepEd. Nagmistualng role model sila sa mga uniporme na isusuot ng mga guro sa pagbubukas ng pasukan.

    Ang taong nasa likod ng viral na post na ito ay mismong groom na si sir Dodong Yanex na nagbahagi nito sa social media. Mainit namang tinanggap ng mga netizens at umani ito ng mga papuri. Makikita nating magagaling ang dalawang guro pagdating sa sayaw.

    Narito at tingnan natin ang kanilang viral na “Pre-Wedding Tiktok Dance”:

    Credit: Sir Dodong Yanex
    Sa panahon natin ngayon, uso na sa ating mga ikakasal ang mga pasabog na nakakatuwa. Isa na dito ang tinatawag ng marami na Pre-Nuptial Video Shoot/Phootshoot. Kung wala namang pre-nuptial agreement na magaganap ay matatawag itong pre-wedding videoshoot/photoshoot. Uso kasi sa ibang bansa ang pre-nuptial agreement. Ito ay ang paggawa ng magkabilang panig ng kasunduan sa ari-arian bago ang kasal. Ito ay madalas sa mga mayayaman at ginagawa ito sa ibang bansa at syempre, hindi pahuhuli ang mga pinoy dito. Kaya ito ay minabuting tawaging pre-wedding videoshoot o photoshoot.

    Ang viral na “Pre-Wedding Tiktok Dance” ay kinagigiliwan ng maraming manonood. Paniguradong marami na naman ang gaganahang gumaya dito sa iba pang mga kasalan. Tayong mga pinoy ay mahilig sa mga pasabog at katuwaan kaya naman hindi na pahirapan ang mga ito.

    Sa panahon nating ngayon kung saan ang pandemya ay narito pa, nakakatulong din ang mga ganito. Ang mga positibong posts sa social media ay nakakagana at nakakawala ng problema. Congratulations in advance! – Clea | Helpline PH

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *