Helpline PH

Your one-stop resource for government services in the Philippines

Study Now Pay Later Act Kinakasa sa Kongreso

Study Now Pay Later Act Kinakasa sa Kongreso

Isinusulong nina CIBAC Partylist Reps. Eduardo Villanueva at Domingo Rivera ang pagkakaroon ng Study Now Pay Later Program para sa mga kabataan.

Ang House Bill 9305 o proposed Study Now, Pay Later Act, ay layuning palakasin ang edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay access sa edukasyon.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), noong 2017 nasa 49.4 percent o halos kalahati ng pamilyang Pilipino ang walang access sa basic education.

“Unfortunately, the Covid19 pandemic has only exacerbated the obstacles to pursuing education,” pahayag ng mga mambabatas.

Pangunahing suliranin sa edukasyon ay ang kawalan ng pinansyal na pagkukunan`ng bawat pamilyang Pilipino.

Batay sa panukala, sakop ng programa ang K-12 students at ang tertiary education students at technical vocational students.

Ang Development Bank of the Philippines at Land Bank of the Philippines ay kasama sa pagpapatupad ng programa para sa disbursement ng loan at proseso ng promissory notes.

Bibigyan ng sapat na panahon ang mga estudyante na makapagbayad ng loan.

OUR LATEST POST