Salary upgrading ng mga guro pinapapabilis
Pinapapabilis ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang salary upgrading sa mga public school teachers sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sinegunduhan din ni Castro ang hinaing ng mga manggagawa sa pribadong sektor para sa agarang pagrepaso ng minimum wages.
“Sa katotohanan, hindi pa lubos na makakaagapay ang mayorya ng mga manggagawang Pilipino dahil isang pambansang minimum wage ang kailangan,” pahayag ni Castro.
“Bakit kung gaano kabilis sumirit ang presyo ng langis at gasolina ay ganoon naman kabagal ang pagkilos ng gobyerno para itaas ang sahod ng mga manggagawa at empleyado?” tanomg ng kongresista.
Ayon kay Castro na dapat itaas ang sahod ng mga guro sa SG 15 para sa Teacher I at Salary Grade I para sa education support personnel.
“We echo the call for higher salaries and wages even as we echo the demand for the immediate repeal of the VAT and excise taxes on petrol products brought by Duterte’s TRAIN Law, the unbundling of the prices of these products, and long-term solutions to recurring oil price hikes, such as the repeal of the Oil Deregulation Law,” diin pa ng mambabatas.
“We urge all candidates especially those vying for the top positions as President, Vice President, and congressional seats, to speak up about the crisis and lay out their commitments to address it,” dagdag pa ni Castro.