Education Sector May Pinakamalaking Bahagi sa Aprubadong 2022 National Budget ng Kongreso

    Education Sector May Pinakamalaking Bahagi sa Aprubadong 2022 National Budget ng Kongreso

    Aprubado na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang P5.024 trillion budget para sa 2022

    Inaprubahan ng mga kongresista sa 3rd and final reading ang House Bill 10153 o ang 2022 General Appropriations Bill bago pa man ang recess ng Kongreso sa botong 238-6-0.

    Tatanggap ng pinakamalaking budget ang education sector na binubuo ng Department of Education, State Universities and Colleges at Commission on Higher Education na may kabuuang P773.6 bilyon, ito ay bilang pagsunod sa Saligang Batas, .

    Ang panukalang budget ay bahagyang mas mataas kumpara sa P751.7 bilyon ngayong taon.

    Tiniyak ni House Speaker Lord Allan Velasco na maiprayoridad ang pagpopondo sa Universal Access to Tertiary Education na nagkakaloob ng scholarship sa mga estudyante sa higher education.

    Umaasa si Velasco na mabilis maaaprubahan ang panukalang budget sa takdang oras upang maiwasan ang reenacted budget sa 2022.

    See also  DepEd Official Statement on the Suicide of a Learner in Sto. Domingo, Albay

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *