Tax Exemption sa Honoraria ng mga Guro sa Eleksyon Aprubado ng Komite sa Kamara

    Tax Exemption sa Honoraria ng mga Guro sa Eleksyon Aprubado ng Komite sa Kamara

    Sang-ayon ang komite sa Kamara sa panukalang i-exempt sa income tax ang honoraria ng mga guro at poll workers na nagbibigay serbisyo sa national at local elections.

    Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda ng House Committee on Ways and Means, nagkaisa ang komite na ilatag sa plenaryo ang tax exemption provisions sa ilalim ng House Bills 225 at 5485.

    Si ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang siyang sponsor sa House Bill na ito.

    “Naniniwala kami na sa pagpasa ng ating panukala, kinukumpirma ng tax panel ng Kamara na walang basehan ang BIR na kaltasan simula 2018 ang mga tinatanggap ng election service volunteers, na karamihan ay mga guro at iba pang empleyado ng Department of Education,” pahayag ni Castro sa pagdinig.

    “Naniniwala rin kami na hindi dapat bawasan ang maliit na benepisyo na ibinibigay sa kanila kapalit ng napakabigat na sakripisyo at katapangan tuwing eleksiyon.”

    “Simula 2018, kinakaltasan ng BIR ang mga miyembro ng Boards of Election Inspectors halimbawa ng P300 kada isa—at pagbubuwis ito na wala namang legal na awtoridad,” dagdag ng kongresista.

    Umaasa si Castro na maihahabol sa susunod na halalan sa 2022 ang approval nito.

    See also  FAQs on the Alternative Classroom Observations for RPMS SY 2020-2021

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *