Nilinaw ng Department of Education na hindi pa pinal ang pagtanggal sa Mother Tongue bilang subject habang hinihintay ang pinal na curriculum para sa K to 10 program.
“‘Yung pagtatanggal sa Mother Tongue, wala pa po namang final niyan,” ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa .
Ayon kay Poa, hindi pa tapos ang pagre-review sa curriculum kaya hindi pa pinal ang mga desisyon dito.
“Hindi pa po talaga tapos ang ating review. Once magkaron na tayo ng final na curriculum, doon po tayo maglalabas ng anunsyo kung ano ‘yung mangyayari sa mga programa, hindi lang sa Mother Tongue, pero pati na rin sa ating learning competencies,” paliwanag ni Poa.
Sinabi ni Densing na hindi na kailangan ng asignaturang Mother Tongue dahil ito ang pang-araw-araw na wika ng mga mag-aaral.