Guro sa Cadiz City, ninakawan ng P79K, pinatay

    Guro sa Cadiz City, ninakawan ng P79K, pinatay

    Natagpuan na wala nang buhay sa loob ng kanyang sariling bahay ang isang guro sa Cadiz City sa Negros Occidental.

    Kinilala ang biktima na si Jessica Ducay, isang guro sa high school.

    Batay sa salaysay ng mga pulis, mag-isa sa bahay ang biktima nang looban ito ng suspek.

    Sa inisyal na imbestigasyon, pianagsasaksak ang biktima at pinalo pa ng martilyo sa ulo.

    Nakuha sa crime scene ang patalim at dalawang martilyo na ginamit umano sa krimen.

    Tinangay umano ng suspek ang P79,000 na cash ng biktima.

    Sa pamamagitan ng CCTV ng kapitbahay, nakilala ang suspek na si Deleon del Rosario na pinaghahanap na sa ngayon ng mga pulis.

    P50,000 na pabuyaa ang alok ng pamilya ng biktima sa makatutulong sa pagtunton sa suspek.

    See also  DepEd reminds private lending institutions not to charge penalties to personnel

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *