Guro inireklamo ng bigyan lamang ng 15 minutes ang mga bata para kumain ng baon
Inireklamo ngayon sa New Washington Municipal Police Station ang isang guro matapos pagsabihan ng nakakasakit na pananalita ang isang grade IV pupil ng Jalas Elementary School sa Aklan.
Ayon sa tiyuhin ng bata na si Mr. Albert Andrade, nagkaroon ng trauma sa pamangkin niyang menor de edad na lalaki ang mga sinabi ng guro habang nasa loob ng classroom.
Ang guro ay si Mrs. Ma. Fe Tolentino, Grade-IV class adviser.
Isa rin sa nirereklamo laban sa guro ay binibilangan at binibigyan lamang ng 15 min. ang mga bata kainin ang baon kayat natatakot na at ayaw ng pumunta sa paaralan.
Batays sa blotter entry sa New Washington MPS, inireklamo ang guro sa paglabag sa Republic Act 7610 sa ilalim ng Emotional Abuse ng menor de edad.
Nakatakdang makakaharap-harap ang tiyuhin ng bata, guro at school principal sa tanggapan ng Department of Education (DepEd)-Aklan.
Source: Brigada PH