DepEd supervisor sinampahan ng kasong graft

DepEd supervisor sinampahan ng kasong graft

Isang DepEd District Supervisor ng Taguig City-Pateros District ang sinampahan ng kaso sa Taguig City Metropolitan Trial Court. Kapwa supervisor ang nagsampa ng kaso dahil sa paglabag sa R.A. 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Act.

Batay sa reklamo, pinipilit umano ng isang Gng. Salome Castro, DepEd supervisor, sa mga punong-guro sa kanyang nasasakupan, na magbayad ng kanyang personal at araw-araw na gastusin mula sa kita ng kantina.

Ang naturang kaso ay umiikot sa sapilitang paghingi ni Gng. Salome ng P500.00 galing sa kinikita ng kantina, na nagsisilbing pambayad sa kanyang personal na linya ng telepono.

Pinunto ng nagrereklamo na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng RA 3019 ang pagtanggap ng supervisor ng Load Allowance at Transportation Allowance sa dalawang opisina.

Humihingi din umano si Gng. Salome ng gas allowance sa canteen kahit na may service vehicle at libreng gasolina mula sa local governement ng Taguig.

Nabahala si Dr. Quintia sa ginagawa ng supervisor at itoy nagbibigay dungis sa opisinang kanilang pinaglilingkuran at sumisira sa moral na dapat sana sila ang nagpapatupad sa mga estudyante.

Kinompirma naman ng ilang principal na mismo ay saksi sa ginagawa ng DepEd supervisor at sila mismo ang nag-aabot ng pera sa sekretarya ng supervisor.

“Bilang supervisor ng DepEd, tumatanggap kami ng mga benepisyo at allowances kabilang ang transportation at load allowances mula sa Kagawaran kaya hindi marapat na gamitin ang aming posisyon para makakuha ng ganansya sa mga principal at canteen,” sabi ni Dr. Quintia.

Sinertipikahan naman ng Administrative Officer IV ng DepEd na si Gng. Susana Dayanghirang na tumanggap ng mga benepisyong Load Allowance at Transportation Allowance ang inaakusahang si Gng. Salome.

READ  DepEd plans virtual Palarong Pambansa 2021

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *