Skip to content

DepEd ini-stress ang mga guro gumawa ng module, hindi naman ito trabaho ng DepEd – Solon

DepEd ini-stress ang mga guro gumawa ng module, hindi naman ito trabaho ng DepEd

Ayon kay Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro, sa halip na pagaanin ang trabaho ng mga guro, lalong dinadagdagan pa umano ng Department of Education ang stress ng mga guro na pinagagawa nila ng module.

Dagdag ng mambabatas na hindi naman trabaho ng DepEd ang gumawa ng mga learning material.

Nakasaad sa Book Publishing Industry Development Act (Republic Act 8047) na inilipat sa National Book Development Board ang responsibilidad ng DepEd na gumawa ng learning materials.

“Teachers, even before the official start of the school year, have been burdened with producing, printing and distributing learning materials to their students with the additional requirements of the DepEd’s blended distance learning. They have been carrying the weight of making their own learning materials for their classes with little to no support from the DepEd,” sabi ni Castro.

“DepEd’s responsibility was to provide the curriculum, monitor and validate the content of available learning materials and textbooks and guide publishers of the content of learning materials. Instead, DepEd puts a huge burden on its teachers and resources in producing learning materials,” dagdag pa ng solon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *