Pagpapatayo ng clinics at health and safety offices sa lahat ng mga paaralan, pasado sa Kamara
Pasado na sa House Committee on Basic Education ang panukala para sa pagkakaroon ng mga permanenteng clinics at health and safety offices sa mga paaralan.
Ayon sa datos ng Department of Education (DepEd), sa 47,013 public schools sa buong bansa ay nasa 28% o 13,000 lamang ang mayroong clinics sa kani-kanilang paaralan.
Muaabot ng P15.27-billion hanggang P84.83-billion ang kakailanganing pondo para matayuan ang lahat ng eskuwelahan ng sari-sariling klinika.
Sinabi naman ni Education Undersecretary Alain Pascua na aabutin ng P2.5-million ang pagpapatayo ng isang bagong clinic na mas malaki kumpara sa P450,000 na renovation ng isang classroom.
Samantala, ang clinics ay hiwalay pa sa opisina na laan sa health and safety offices na itatayo rin sa bawat paaralan.
Nawa’y mabigyan ito ng prayoridad ng ating pamahalclickaan, sa kadahilanang napakahalaga ng mga clinics sa bawat paaralan. Lalo na mayroon tayong kinakaharap na pandemiya at kailangan nating siguraduhin ang kaligtasan at kalusugan ng ating mga kabataan sa kanilang pagpasok sa ating mga paaralan.
Una ng ipinahayag ng Department of Education, na magbubukas ang pasukan ngayong darating na August 24.