Helpline PH

Your one-stop resource for government services in the Philippines

DepEd, kailangan pa ng P419-B para sa classroom constructions

DepEd, kailangan pa ng P419-B para sa classroom constructions

Mangangailangan ng 419 billion pesos ang Department of Education para punan ang kakulangan ng mga classroom sa bansa.

Sa 2019 National School Building Inventory, ayon kay Senator Pia Cayetano na P419.7 bilyon ang kailangan para sa kabuuang 167,901 silid-aralan.

Dagdag pa ni Cayetano na 37,796 na silid-aralan ang nasira dahil sa iba’t ibang sakuna mula 2016 hanggang 2022.

Kailangan ng DepEd ng P45.7 bilyon para sa pagsasaayos, ayon sa Senador.

Saad naman ni Senator Win Gatchalian na nangangailangan ang DepEd ng P206 bilyon para maayos ang 413,000 silid-aralan na nasira kapwa sa lindol at bagyo.

OUR LATEST POST