Blended Learning Dapat Maging Bahagi na ng Edukasyon Matapos Man Ang Pandemiya — Gatchalian

    Blended Learning Dapat Maging Bahagi na ng Edukasyon Matapos Man Ang Pandemiya

    Higit na naniniwala si Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture Chairman Sherwin Gatchalian na kahit magtapos ang Covid19 pandemic ay dapat maging bahagi na ng sistema ng edukasyon ang blended learning.

    Saad ni Gatchalian na lumabas ang kahalagahan ng internet access sa naranasang krisis ng mundo.

    Binigyang-diin ni Gatchalian na maaaring maging solusyon ang blended learning upang matugunan ang congestion sa mga paaralan.

    Ayon sa senador maaaring gumawa ng sistema ng DepEd kung saan may mga araw na gagawin ang pag-aaral sa pamamagitan ng online ngunit hindi dapat tanggalin ang face-to-face classes.

    “May mga araw na ang bata sa bahay gumagawa ng assignments thru the internet pero ibang araw papasok dahil importante ang interaction,” sabi ni Gatchalian.

    “May ganitong pag-iisip na puwedeng pag-aralang mabuti para mas maging episyente ang pagtuturo,” dagdag ni Gatchalian.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *