Benepisyo, Proteksyon, Allowances Para sa Mga Guro Isinusulong

Benepisyo, Proteksyon, Allowances Para sa Mga Guro Isinusulong

Binigyan-diin ni Senadora Risa Hontiveros na hindi dapat puro salita ang pagbibigay-pugay sa mga guro na patuloy ang pagsasakripisyo para sa mga mag-aaral.

“Dedikasyon at katatagang hindi matatawaran. ‘Yan ang ipinamalas ng mga guro nang harapin nila at ng ating mga mag-aaral ang matinding hamon ng distance education,” pahayag ni Hontiveros sa pagdiriwang ng World Teachers’ Month.

“Kaya hindi dapat natatapos sa mga salita ang pagpupugay sa kanila. Kalakip dapat nito ang suporta, benepisyo, proteksiyon at allowances na dapat ay kanilang natatamasa. They deserve better. It’s time we pay up. Healthy at secure ang future ng bansa kung healthy at naaalagaan din ang kapakanan ng ating mga teachers,” dagdag pa niya.

Iginiit naman ni Bayan Muna Partylist Rep. Eufemia Cullamat na dapat pagtuunan din ng pansin ang mga guro na nagsilbi sa mga kabataang Lumad.

“Hindi biro ang dedikasyon ng mga guro ng bayan na humaharap ngayon sa mga hamon ng pandemya. Palakasin natin ang panawagan ng mga guro para sa sapat na badyet at suporta sa edukasyon at para sa kanilang kagalingan at karapatan,” pahayag ni Cullamat.

“Tuloy ang pakikiisa na panawagan na ligtas na balik-paaralan, dagdag pasahod, dekalidad na edukasyon at agarang ayuda para sa mga guro at estudyante,” dagdag pa ng kongresista.

See also  80 percent of country's children do not know what they should know in school – World Bank

1 thought on “Benepisyo, Proteksyon, Allowances Para sa Mga Guro Isinusulong”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *