Mga Gurong Nais Magsilbi sa 2022 Election Dapat Fully Vaccinated – Comelec

    Mga Gurong Nais Magsilbi sa 2022 Election Dapat Fully Vaccinated

    Hinihimok ng Commission on Elections ang mga guro na makiisa sa Covid19 vaccination program ng gobyerno.

    Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, nais nilang ang mga gurong magsisilbi bilang miyembro ng Board of Elections Inspectors sa 2022 election ay mga bakunado o fully vaccinated.

    “Isa ‘yan sa mga gusto nating mangyari na ang lahat ng teacher eh bakunado bago sila mag-serve as Board of Election Inspectors,” saad ni Jimenez.

    Dagdag ni Jimenez na nakikipag-usap na ang Comelec sa Department of Education hinggil sa usaping ito.

    Inihahanda na rin ang Comelec ng budget proposal sa Kongreso para sa eleksiyon.

    “Yan ang pinag-uusapan with DepEd ngayon, kasi may budget considerations diyan and naghahanda na kami ngayon para sa budget proposal natin sa Kongreso,” dagdag pa ni Jimenez.

    See also  80 percent of country's children do not know what they should know in school – World Bank

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *