Helpline PH

Your one-stop resource for government services in the Philippines

Reminders po sa mga nanay ngayong modular class

Table of Contents

Reminders

Simula ng pormal na buksan ang klase noong Oktubre 5, 2020 sa mga publikong paaralan, ipinatupad ang modular classes upang masigurado ang kaligtasan ng mga kabataan. Ang mga magulang na ang nagsisilbing karamay at guro ng mga estudyante sa pagsagot ng mga modules.

Hindi maiiwasan ang pag-init ng ulo ng mga nanay habang nagtuturo sa mga anak. Kaya may paalala ang Victoria Laguna Municipal Police Station sa mga magulang upang maiwasan ang anumang karahasan na maaaring maganap sa kani-kanilang mga tahanan habang nagtuturo sa kani-kanilang mga anak.

Basahin ang mga paalala na nasa ibaba.

REMINDERS PO SA MGA NANAY NGAYONG MODULAR CLASS

  1. Panatilihing nakatago ang hanger sa cabinet, ito ay ginawa para lang sa damit.
  2. Ang tsinilas ay sinusuot hindi ipinapatong sa lamesa.
  3. Ingatan ang inyong kamay. Ginagamit po yan sa mga gawaing bahay at sa iba pang importanteng bagay. Hindi po yan ginagamit panghampas o pangkurot
  4. Baka hindi mo namamalayan ang boses mo nagha-high pitch na hindi ka naman singer.
  5. Maglaan ng hanggang langit na pasensya.
  6. Magtanong sa Guro kung hindi alam ang isasagot.
  7. Alalahanin mo ang anak mo ang estudyante, hindi ikaw.

 

Goodluck sa mga guro ng tahanan.

Keep safe and God bless.

P.S
May batas po tayong R.A 7610

Source: Victoria MPS

OUR LATEST POST