Mensahe ng mga mag-aaral sa kanilang mga guro ngayong modular learning
Viral ngayon online ang mensahe ng dalawang mag-aaral para sa kanilang mga guro kung saan ay humihingi ito ng karagdagang pag-uunawa dahil hindi raw nila ma sagutan ng tama ang lahat ng kanilang modyul.

“Ma’am/ Sir Sana po maintindihan nyo po ako Sorry po sa mga masasalita ko pero nagsasabi lang po ako ng totoo please po wag nyo naman damihan ang mga activitys kasi po nahihirapan ako at si Mama di lahat ng oras natotoroan ako at palagi po siyang pagod galing trabaho at gabi na sya umuuwi at si papa po ay tulad din ni maam na may trabaho at di po si papa nag tuturo sakin kasi hanggang Grade 1 lang sya at mahirap lang po kami at gayon din naman po sa akin may trabaho din po ako sa bahay tulad ng paglalaba, paglilinis, pagluluto at pagliligpot ng mga kalat.
Sana po mabasa nyo lahat mga teachers!”
“I’m very sorry, ma’am but I really can’t answer the other activities because I am not blessed like others who understands math easily, it’s too difficult for me , I am very sorry ma’am. God Bless.”
Ang mensaheng ito ay humakot ng sari-saring komento at opinyon mula sa netizens. Marami ang na antig sa mensahe ng mga batang ito sapagkat halos lahat ngayun ay nakaka “relate” sa sitwasyon nila ngayon.
Sa sitwasyon natin ngayon, maraming kabataan ang apektado at medyo nahihirapan nga sa transisyong nagyayari dahil sa pandemya. Dahil hindi naman face-to-face ang interaksyon ng mga mag-aaral, may mga subjects talagang mahirap sagutan at halos lahat ng mga bata di masyadong nakaka intindi sa kanilang mga aralin sapagkat di rin naman alam ng kanilang mga magulang ang mga ito lalo na yung mga magulang na elementarya lang din ang natapos. Batid ng lahat ang kahirapan ng sitwasyun hindi lamang ng mga mag-aaral kundi saklaw na nito ang lahat dahil sa pandemya. Bagama’t nahihirapan ang mga mag-aaral ngayon ay tuloy pa rin ang laban dahil ito lang din naman ang tanging paraan upang makaraos sa taong ito.
Kahit na ganito ang sitwasyon ng mga mag-aaral ay batid din naman ito ng kanilang mga guro kahit hindi pa nila sabihin. Kung ang pag-uusapan ay ang kahabaan ng mg modyul, dyan lang talaga mahihirapan sumiksik ang mga guro sapagkat hindi naman galing sa kanila kundi galing sa itaas at sila lang ang nag pi-print ng mga ito. Gustuhin man ng ibang guro na iksihan ang modyul, wala silang magagawa dahil naka Quality Assured ang mga modyul at bawal ng e-edit. Meron din namang ibang guro na sila ang gumawa ng kanilang mismong modyul (kadalasan yung mga nag-tututro ng TLE) kung kaya mas maiksi ang mga ito kompara sa ibang subjects.
Alam ng mga guro ang hirap ng kanilang mag-aaral kung kaya malaki din ngayon ang lawak ng pag co-consider nila sa mga output ng kanilang mga mag-aaral. Hindi kailangan ma lagyan ng sagot lahat ng modyul kung wala naman talagang kayang isagot ang mga bata. Kung hanggang saan kaya ng bata ay doon lang din dapat at hindi na gawing kumplikado ang sitwasyon. Mahirap man ngunit lahat tayo ay dapat magtulungan para sa ating mga kabataan. Lahat ng pamamaraan ay gawin natin maibigay lang ang inaasahang suporta upang malampasan natin ang pandemyang ito.
Ang kahabaan ng modyuls at ang hirap sa pagsagot sa mga ito ay pawang mga balakid lamang na kayang lampasan ng ating mga mag-aaral sapagkat ang totoong leksyon at karunungan sa pandemyang ito ay hindi nasusukat sa mga scores na nakukuha ng ating mga kabataan galing sa mga modyuls, kundi ang totoong leksyon ng buhay na magbibigay sa kanila ng aral na hinding hindi mananakaw ng kahit na sino magpakailanman. Mahirap man ang sitwasyon, magiging madali nalang ito para sa kanila pagdating ng araw. – Clea | Helpline PH