Skip to content

Libreng computer para sa mga guro, isinusulong ni Rep. Lacson sa Kongreso

Rep. Lacson sa Kongreso

Isinusulong ni Manila Teachers Partylist Rep. Virgilio Lacson ang panukala na sasagot sa pangangailangan ng mga guro gaya ng computer para sa distance learning.

“At present, the efforts in providing our teachers with financial and equipment are localized. While the actions of our local government are highly valued, these actions still fall short in terms of guaranteeing that each and every public school teacher throughout the country is well-equipped with the technological advances essential in shifting to blended learning,” paliwanag ni Lacson.

“Whereas the measures provided in this bill have been long overdue, there has never been a more wanting time for the State to address a pressing concern in our education system — that is lack of technological resources among our public school teachers,” dagdag pa nito.

Saad ng kongresista na batay sa datos, nasa 24.7 milyon ang elementary at high school students na naka-enroll para sa Academic Year 2020-2021 pero malaking dagok pa rin ang pinagdadaanan ng mga guro dahil sa new normal delivery of education.

“Our teachers are called upon to immediately adapt to blended learning, which involves both online and offline methods of instruction,” dagdag pa ng kongresista.

Batay sa panukala, ang bawat guro ay bibigyan ng computer, web camera at internet connection device na kanilang gagamitin sa pagtuturo.

“Each computer provided to a public school teacher shall be of such quality to be expected to be reasonably usable according to the purpose of its issuance for at least five years.”

Nakasaad din sa panukala na ang ibibigay na equipment sa mga guro ay ayon sa standard at tatagal ang serbisyo na pinakamababa ang limang taon.

Pagkatapos ng limang taon, nasa guro na kung papalitan ang kanilang yunit sa pamamagitan ng pag-surrender sa inisyung gamit sa kanila.

Maglalaan ng P50,000 sa bawat guro kada taon para sa pagbibigay ng mga kaukulang gamit sa kanila.

1 thought on “Libreng computer para sa mga guro, isinusulong ni Rep. Lacson sa Kongreso”

  1. sana nga dahil.isa pang gastusan ng teacher ang laptop na yan imbes n mgamit ang budget sa basic needs ng mga teacher f konte n lng ang net pay, paano mkakabili ng sariling gamit sa pagtuturo, at lalo na kapag ngkasakit .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *