Skip to content

Mga Eskwelahan Na Mag-Face-To-Face Classes Dagdagan – SOLON

Mga Eskwelahan Na Mag-Face-To-Face Classes Dagdagan

Nais ni ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro na dagdagan ang mga eskwelahan na kasama sa dry run ng face-to-face classes.

“‘Yung 59 na binabanggit ng DepEd kulang talaga ‘yun eh,” pahayag ni Castro.

Una ng inanunsiyo ng DepEd ang 59 paaralan na handa nang magbukas para sa face-to-face classes.

“Lalong-lalo na dun sa kinakailangan talaga ng gabay ng mga teachers,” dagdag ni Castro.

Kampante naman ang kongresista na magiging ligtas ito para sa mga mag-aaral basta siguraduhing masunod ang tamang ‘class size’.

“Halimbawa, alternate ‘yung pasok. ‘Yung mga bata hindi naman araw-araw papasok kasi limited time lang naman… So I think dapat na ring dagdagan,” aniya.

Dagdag pa ng kongresista, dapat ding dagdagan ang mga kursong papayagang magkaroon ng physical classes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *