Skip to content

DepEd Waiver sa mga Gurong Kasali sa F2F Classes Kinuwestiyon

DepEd Waiver sa mga Gurong Kasali sa F2F Classes Kinuwestiyon

Inalmahan ng mga mambabatas ang Department of Education kaugnay sa waiver na pinalalagdaan umano nito sa mga guro na kasali sa face-to-face classes na walang pananagutan ang ahensiya sa gitna ng banta ng Covid19.

Nagpahayag ng pangamba si Marikina Rep. Stella Quimbo sa sinasabing waiver.

“Napag-alaman ko rin na lumabas ang waiver mula sa DepEd kahapon na indicating that walang liabilities whatsoever ang DepEd kung magkasakit ang ating teacher. So because of that, maraming teachers sa amin na medyo natatakot na pong mag-participate… for obvious reasons,” pahayag ni Quimbo.

Nakatanggap din ng parehong impormasyon si ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro mula naman sa mga paaralan sa Quezon City.

Iginiit naman ni DepEd Usec. Tonisito Umali na hindi mula sa executive committee ng ahensiya ang polisiya sa waiver.

“Ako po mismo sa lebel ng execom, wala po kaming ganyang polisiya. Napag-alaman ko lang po. We could assure you that we don’t have that as a policy for DepEd. Pero may mga ilang rehiyon po lamang,” paliwanag ni Umali.

Ayon naman kay Umali na agad nilang iimbestigahan ang impormasyon at idedeklarang invalid ang waiver kung mapatutunayan na may kapabayaan ang DepEd.

“Titingnan po namin kung papano ba ito na-articulate, itong waiver na ito,” dagdag ni Umali.

1 thought on “DepEd Waiver sa mga Gurong Kasali sa F2F Classes Kinuwestiyon”

  1. Lilibeth Cabrera Revelo

    Pati parents po dito sa amin sa ozamiz city, may pinermahang consent and waiver. Wala sa aming mga guro, wala kaming waiver as of now pero sandamakmak na preparations ang pinagagawa sa aming mga master teachers. Ang dami talaga may listahan po ako. Bakit guro ang inaatasang gumawa sa mga requirements for f2f? Di ba kayang iprovide ng deped ang mga kakailanganin for health protocols?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *