Helpline PH

Your one-stop resource for government services in the Philippines

Buwan ng Wikang Pambansa 2021

Buwan ng Wikang Pambansa 2021

Alinsunod sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997, na nagpapahayag ng taunang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto 1-31, ang pagdiriwang ay pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Para sa sabayang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan, ipinatutupad ang KWF Kapasiyahan ng Kalupunan Blg. 21-17 na nagtatakda ng temang, Filipino at Mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino, na naglalayon na ilaan ang Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi sa kasaysayan ng bansa at mga wika.

Layunin ng Buwan ng Wika 2021 ay ang mga sumusunod:

a. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;

b. Maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito;

c. Mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko;

d. Maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang mga wika ng Filipinas sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa; at

e. Maipakilala sa mga mamamayang Pilipino ang KWF bilang ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa mga wika ng Filipinas sa pamamagitan ng mga programang pangwika nito.

Hinati sa apat na lingguhang tema ang isang buwang pagdiriwang:

Kalakip nito ang mungkahing mga gawain angkla sa lingguhang tema ng isang buwang pagdiriwang.

Mungkahi ang mga gawain sa paaralang nagsimula na ng Taong Panuruan at gagawin ito nang birtuwal. Samantala, hindi ito sapilitan sa mga paaralang nasa bakasyon pa.

Para sa iba pang detalye at impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN) sa email [email protected]

Basahin ang MEMORANDUM PANGKAGAWARAN Blg. 016 ,s.2021 para sa karagdagang detalye.

OUR LATEST POST