KADALASANG NEW YEAR’S RESOLUTION NG MGA GURO (Na hindi naman natutupad)

NEW YEAR'S RESOLUTION

NEW YEAR’S RESOLUTION

Tuwing sasapit ang New Year’s eve ay kanyan kanyang pakulo ang ginagawa ng mga tao. Mula sa hapag-kainan, sa kasuotan at mapa New Year’s resolution na rin.

Hindi pahuhuli ang mga guro sa mga nakagawiang ito. Tradisyon na din naman kasi ng mga Pilipino ang mga ito.

Narito ang iilan sa New year’s Resolution ng mga guro na kadalasan ay medyo napapako .

1. Hinto na ako sa loan!

Yung tipong gustong gusto mo nang makawala sa mga loans mo pero di talaga kaya lalo na at maraming gastusin. Ito yung sinasabing “in your dreams” nalang. Kaya ang loan na 3 years lang dapat, minsan ay na e-extend pa.

2. Bayaran lahat ng utang

Gusto mo na ding mabayaran lahat ng utang mo para wla ng stress, pero di talaga nangyayari. Mabayaran mo nga ang isang utang mo ngayun pero bukas makakautang ka ulit.

3. Mag di-diet na ako

Nakakatuwa talagang magbawas ng timbang. Ang dali daling sabihin pero ang hirap gawin. Ito ang pinakamahirap gawin sa lahat ng resolusyon ng nakararami .

4. Hindi na ako makiki chika-chika sa mga isyu

Gusto mong kumawala sa mga wlang kwentang isyu sa skul ninyo ngunit ang tentasyon talaga. Ang chika ng isang ka guro mo ay aabot hanggang saang sulok. Iwas isyu pero minsan talaga ang isyu ang pupunta sa iyo.

5. Hindi na ako magagalit

Sino ba naman ang gustong galit nalang palagi? Kadalasan sa problema ba naman sa skul at pamilya, talagang iinit talaga ang ulo mo at magagalit ka talaga. Kaya mahirap talaga ang resolusyong ito.

6. Magtitipid na ako

Ano pa ang titipirin kung wla ng sahod na aangkinin? Nakakahiya pero halos totoo sa lahat ng guro ito.

7. Hindi na ako mag o-order online

Iwas iwas muna sa Lazada at Shopee ngunit isang advertisement lang sa selpon, tiyak add to cart na yan! Mahirap humiwalay sa online shopping lalo na pag 11.11.11 at sale lahat ng item .

8. Hindi na ako magpapa stress

Hindi na nga ba magpapa stress? Hindi talaga maiwasan ang stress lalo sa dami ng papel na tatrabahuin.

9. Kaibiganin ko na lahat ng kasamahan ko sa trabaho

May mga klase ng guro talaga na mahilig din sa away. Ito yung tipong kahit wla namang problema ay gagawan nila ng isa. Mahirap itong maging totoo lalo sa mg gurong ganito din ang ugaling nakasanayan.

10. Hindi na ako magdadala ng trabaho sa bahay

Lalong napaka imposibleng mangyari ng ito, kulang nalang dalhin isang karton ng papel for checking.

Conclusion

Ito ay iilan lamang sa nakakatuwang mga resolusyon ng mga guro na minsan ay natutupad at hindi. Ngayong bagong taon, importante lang ay makapiling ang pamilya ay sapat na. Kung may resolusyon man, dapat ay ating siguraduhing kakayanin nating gawin. – Avril | Helpline PH