Helpline PH

Your one-stop resource for government services in the Philippines

5 Senyales na nakatanggap na ng bonus ang mga guro

5 Senyales na nakatanggap na ng bonus ang mga guro

Ang buwan ng Nobyembre ay hudyat ng pagdating ng mga bonus ng mga kawani ng gobyerno at pribadong sektor. Kasama na dito ang mga guro natin na sumasaya habang hihintay ang kanilang bonus. Iibahin muna natin ang itatampok na usapin ngayon. Katuwaan muna ang ating ibabahagi ngayon sa ating tagapag-basa.

Ano-ano nga ba ang senyales na nakatanggap na ng bonus ang mga guro?

1. Walang Katapusang Pila sa ATM

Sa dami ba naman ng mag wiwidro ng bonus, minsan ang ATM nalang ang susuko. Madalas mahaba ang pila ng mga tao sa kagustuhang ma widro agad ang bonus nila. Lahat yata ng ATM ay abala sa mga panahong ito.

2. Pa-ubos na Cart sa mga Grocery Stores

Noong wala pang pandemya, ganito na talaga ang larawan sa mga malls at groceries. Ganito pa rin naman ngayon, kaso ang kaibahan ay walang mga batang dala ang mga tao. Siguro dahil nagkakasabay ang lahat sa pagbili ng mga kaylangan. Kadalasan kasi ay pumapa syudad ang mga guro na nasa ibang lungsod para doon mamili ng mga gamit. Madalas nauubos ang cart sa mga grocery stores kapag may bonus. Hindi pahuhuli ang mga guro na minsan nagkakasabay pa sa pamimili.

3. Rebonded na Buhok

Nakakatuwang isipin ngunit ito ay totoo sa halos lahat ng tatanggap ng bonus. Ito lang kasi ang panahon kung saan may budget para sa sarili. Kahit kaisa sa isang taon ay makatikim man lang na gumanda din ang mga guro natin.

4. Trip na Pasyal ng Buong Pamilya

Dahil nga ang bonus ay di lamang sa sarili kundi para din sa pamilya, ito na ang panahon para sa pasyalan. Iba-iba ang diskarte ng bawat pamilya sa pagpasyal. Ngayong pandemya, marahil marami ang pupunta sa mga baybayin para sa family bonding.

5. Pagkain Overload

Sandamakmak na kainan sa bawat pamilyang pinoy. Hindi yata nawawala ang tradisyung ito lalo pag may bonus. Malalaman din minsan kung mahilig mag post ang mga guro sa social media.

Ang nabanggit ko sa itaas ay iilan lamang sa mga senyales na nakatanggap na ng bonus ang mga guro. Sa panahon ngayon kung saan mahirap ang buhay, tila may ilaw kung may matatanggap na biyaya ang bawat isa. Ang pinaka importante sa lahat, sana hindi natin ipagkait ang ating biyaya sa kapwa. – Alec | Helpline PH

OUR LATEST POST