Helpline PH

Your one-stop resource for government services in the Philippines

Public school teacher sangkot sa sangla-ATM modus, arestado

Public school teacher sangkot sa sangla-ATM modus, arestado

Nahuli ang isang guro sa isang entrapment operation na sangkot umano sa sangla-ATM na modus sa Calamba, Laguna.

Ang suspek, nagdahilang tinutulungan lang niya ang mga kapuwa guro na nangangailangan.

Nadakip nga mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Julieta Palasin, isang public school teacher.

Ayon sa NBI, may grupo na pinapalitan ang pangalan ng mga idineklarang “lost” na mga ATM card at ipinagagamit sa mga guro sa Laguna para magamit sa pag-a-apply ng loan sa lending companies.

Maglo-loan umano ng P150,000 ang mga guro gamit ang altered card, at hindi mapapansin ng lending company na hindi papasok ang suweldo ng mga guro dahil hindi talaga sa kanila ang mga minanipulang ATM card.

Nagkakahalaga umano ng P35,000 ang bayad sa isang altered na card habang hati naman ang sindikato at ang guro sa matitirang loan na P115,000.

“Almost P1.5-M kasi P150,000 each ATM. Shocked talaga, kasi expected mo na ‘yung ATM nila ay totoo saka doon papasok lahat ng benefits ng teacher. ‘Yun pala hindi kasi tampered ‘yung ATM nila,” sabi ng isang nagreklamo.

“On a physical level diyan, ‘yung appearance ng mga altered ATM cards at makikita namin na flawless siya. Ibig sabihin ang gumawa nito could be considered as a ‘golden hand’ kasi lahat ng alignment, ‘yung features ng card, nagaya nila,” sabi ni Agent Vic Lorenzo, pinuno ng NBI Cybercrime Division.

Hindi tumanggi sa akusasyon ang suspek, na may kita umano na P10,000 kada guro.

“Alam niyo naman ‘yung iba, ang pinaka-neto na lang P5,000, P6,000 at saka dumating nga kami sa point na hindi basta nakaka-loan ang teacher through salary kundi puro ATM lang siya. Kasi kapag sa salary, nagkaroon nga kami ng net, meron naman siyang kailangang dumaan pa sa verifyer,” sabi ni Palasin.

“Tumulong lang din ako, nag-impart ako ‘yun ang isang siguro, pagsisisi,” ayon pa sa suspek.

Nagpaalala naman si Lorenzo na maging alerto mula sa mga nag-aalok na isangla ang ATM dahil maaari itong magamit sa mga ilegal na transaksyon.

OUR LATEST POST