Bakit naturingang flexible ang mga guro
Sa lahat ng popesyon, ang mga guro lang ang naturingang marunong sa halos lahat ng larangan. Hindi nga naman natin ika kaila na dahil sa kanilang trabaho ay dapat alam nila ang lahat.
Flexible kung tawagin ang mga guro ng marami. Kung guro ka, paniguradong marami kang alam. Ang guro din ang nagsisilbing ehemplo sa mga kabataan at ang tinitingala nila.
Narito ang iilan sa mga rason kung bakit naturingang “flexible” ang mga guro.
Nagsisilbing ama, ina, kapatid at kaibigan sa lahat
Ang mga guro ay ang pangalawang magulang sa mg mag-aaral nila. Responsibilidad nila ang bawat mag-aaaral sa loob ng kanilang paaralan. Kahit hindi sabihin, minamahal ng mga guro ang kanilang mga estudyante. Hindi lamang pagiging magulang kundi maging isang kapatid at kaibigan ang ginagawa ng mg guro.
Lider at ehemplo sa loob at labas ng paaralan
Lider at ehemplo sa loob at labas ng paaralan kahit anong oras man. Mataas ang respeto ng mga mag-aaral at ng komunidad sa mga guro.
Tinatawag sa lahat ng mga kaganapan ng komunidad
Ang mga guro lang naman ang tinatawag sa lahat ng mga kaganapan ng komunidad. Sa lahat ng mga seremonyas ay nandyan palagi ang mga guro na handang tumulong.
Parang artista na din at magaling umarte
Ang mga guro ay nagsisilbing tagapag pa-intindi. May mga panahong di kaagad naiintindihan ng mga mag-aaral ang kanilang mga leksyon kaya minsan, inaarte ito ng mga guro. Ito ang kayang gawin ng mga guro na hindi kayang gawin ng ibang ptopesyon.
Jack of all trades, master of none
Ang kasabihang ito ay insulto para sa iba subalit meron itong mas magandang ibig sabihin. Ito ay totoo sa lahat ng mga guro (at isa na ako doon). Halos lahat ng larangan ay alam namin. Kaya naming ituro ang ibang subjects kahit hindi namin major. Kahanga hanga ang kakayahan ng mga guro na di nagagawa ng lahat. Minsan kami ay doktor, minsan din ay abodado. May mga panahong karpintero kami at minsan inhinyero subalit iisa lang ang layunin namin, ang maintindihan ng mga bata ang aming gustong ipahiwatig at ituro. Lahat ay kaya naming gawin sa ngalan ng pagtuturo ng marangal.
Masarap maging guro at masarap din ang maging marunong sa lahat. Hanggang sa abot ng aming kakayahan, sisikapin naming gampanan ang tungkulin namin. Ito marahil ang mga dahilan kung bakit naturingang flexible kami sa lahat ng oras. – Clea | Helpline PH