Teacher na nagsuot ng bagong uniporme, viral

    Teacher na nagsuot ng bagong uniporme, viral

    Inaasahang magagamit na ng mga guro ang bagong uniporme nila sa papalapit na pasukan. Ito ay inaasahang isusuot nila ngayong School Year 2021-2022. Kaugnay dito, nag viral naman sa socmed ang post ng isang guro na si Ma’am Xiara Li Acosta ng Davao. Sa kanyang viral na post ay tila siya ang model ng bagong uniporme ng DepEd. Bagay na bagay sa kanya ang bagong uniporme at sinabayan pa ito ng ka kulay na face mask na dagdag points din.

    Credits: Ma’am Xiara Li Acosta
    Ang post na ito ni ma’am Acosta ay patunay na handa na ang mga guro sa darating na pasukan. Hindi lamang kasi ang modules ang dapat na maihanda kundi pati na rin sa psisikal at mental. Ang bagong uniporme ay patunay na kahit paman sa pandemya natin, ang mga guro natin ay patuloy pa rin.

    Nakakatuwang tingnan ang bagong sets ng uniporme ng mga guro na maganda din naman pala. Syempre, dagdag points na din ang pagka seksi ng modelong guro kaya magandang tingnan ito. Sa mga gurong “single” at bata pa, makikita na nila ang kanilang sarili na naka uniporme. Kadalasan naman kasi ng mga batang guro ay balingkinitan pa ang katawan.

    Para naman sa mga gurong may asawa na at medyo may dagdag na ang timbang, kayo nalang din ang humanap ng anggulo. Nasa pag bagay-bagay nalang yan kung paano dalhin ang uniporme para gumandang tingnan. Mabutihin ding humanap ng sastre na magaling sa “fitting” at mahusay sa pananahi. Medyo may kamahalan na din kasi ang mga mananahi ngayon.

    See also  Viral: Wala akong pakealam sa module niyo kung mabasa. Mas mahalaga kaligtasan nyo

    Napaka importante ng uniporme sa propesyun ng mga guro. Mula noon hanggang ngayon, hindi na mabilang ang unipormeng nagdaan sa mga taon. Ang bagay na mas nakagagalak ay ang uniporme ng mga guro ay pareho ang disenyo sa lahat ng rehiyon. Masasabi nating may “harmony” sa mga kaguruan at talagang makikilala natin sila. Ang uniporme ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng mga guro. Kahit saang lupalop ng Pilipinas, makikilala mo sila. – Clea | Helpline PH

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *