Saan aabot ang 1,500 pesos na increase ng mga guro ngayong 2021?
Inaabangan ng mga guro ngayong taong 2021 ang kanilang increase sa sahod. Ito ay humigit kumulang nasa 1,500 pesos at medyo hinihintay nga ito ng nakararami. Ang increase na ito ay naisakatuparan ngayung buwan ng Pebrero taong 2021.
Marahil ay marami sa mga kaguro natin ngayon ang nagtatanong kung papaano at saan ito aabot? Pag-uusapan natin ngayon kung ano ba ang mga kadalasang pinaglaanan sa dagdag na ito.
1. Halagang pandagdag sa loan.
May mga bangko na ngayon na nag aalok na tatanggap sila ng loan galing sa increase ng mga guro. Masaya na ang mga guro kung mapakinabangan nila ang umento sa sahod ngayong taon.
2. May dagdag pero parang wala din dahil napupunta na sa mga undeducted loans.
Yung ibang guro may mga undeducted loans sa mga payslips nila. Kapag may increase, awtomatikong ikakaltas ang halaga doon sa natitirang sweldo. Dahil may increase naman, paniguradong ikakaltas agad nila iyon sa increase. Hindi na mahagilap ang increase.
3. Yung iba, naibenta na nila ang dagdag nila.
Yung iba naman, naibenta na nila ang kanilang mga ATM at lalong ang increase ay kasali na din.
4. Hindi na mahagilap ang increase dahil kasabay nito ang pagtaas din ng premium.
Kung tataas ang sahod ng mga guro ay siya ding pagtaas ng mga premiums tulad ng Philhealth at GSIS. Hindi na talaga yata mararamdaman ng mg guro ang kanilang increase. Dahil sa staggard ang pagbibigay ng increase ay medyo hindi talaga napapansin ito.
5. Yung iba naman, sa withholding tax napupunta ang increase lalo na yung wala pang mga anak.
Yung mga gurong wala pang mga anak at single pa, mas lalong lalaki ang withholding tax nila sa BIR.
Ito ang kadalasang napupuntahan sa mga increase ng mga guro. May kwentong increase ka din ba katulad namin? Ikaw, saan aabot ang increase mo? – Clea | Helpline PH