Skip to content

Mga guro daw, nag e-enjoy, nag su-sweldo at walang ginagawa (Reaksyon bilang isang guro)

Mga guro daw, nag e-enjoy, nag su-sweldo at walang ginagawa

Kahapon lang ay nag post ang DZRM News ng video patungkol sa mga guro. Nag-eenjoy lang daw ang mga guro at tumatanggap ng suweldo  at wala daw ginagawa ayon sa video na iyon. Gusto ko lang gumawa ng isang reaksyon tungkol doon bilang isang guro din.

Masakit isipin na ganun lang pala ang pagtingin ng mga tao sa aming mga guro ngayon. Ang buong akala nila ay na e-enjoy namin ang pagkakataon ngayon at akala din nila wla kaming ginagawa habang patuloy ang pag tanggap namin  ng suweldo. Una sa lahat, bilang isang guro, talagang masakit sa dibdib namin  na marinig ang mga salitang iyon. Kasalanan ba namin  na may pandemya ngayon at parang lahat na lang ay galit sa aming mga guro? Para sa impormasyon ng lahat, hindi kami nag-eenjoy ngayong pandemya dahil tao din kami at apektado din naman kami ng pandemyang ito, haler! Isipin nyo nga kung saan kami nag-eenjoy? Kung galit kayo sa amin dahil tumatanggap kami ng suweldo, siguro naman ay alam nyo din na kahit walang pasok ang mga bata ay nandoon pa din kami sa aming mga paaralan dahil gumagawa kami ng mga modules namin. Kung tutuosin nga ay mas mabigat pa ang trabaho naming ngayun kompara sa may face-to-face dahil kaylangan ihanda talaga ng maayos ang mga modules at pagkatapos ay sandamakmak na papel ang aming i-check sa loob ng isang linggo. Sa sinasabi nyo namang wla kaming ginagawa, heto at iba-baba ko lang ang mga  trabaho naming ngayong pandemya.

1. Nag-wewebinar kami. Lahat ng mga guro ay uma-attend ng webinar para sa paghahanda namin s apagbubukas ng klase. May mga activities kami na gagawin pagkatapos ng webinar kaya kahit work from home kami ay may mga output kami.

2. May mga accomplishment reports kaming makakapag papatunay sa mga ginagawa naming kahit tatlong araw sa paaralan at dalawang araw sa skwelahan. Hindi pumapayag ang DepeD na wla kaming gagawin. 

3. Mas malaki ang oras namin sa paggawa ng modules namin (para doon sa mga wlang modyuls galing sa itaas) at pag hahanda nito (mag-print).

4. Kahit wlang pasok ay pinupuntahan namin ang  aming mga classroom at nililinis namin  ang mga ito at sinisigurado na handa ito anumang oras may utos na mag face to face na uli.

5. Pagkatapos na mahatid ang mga modyul namin ay sandamakmak na papel naman ang aming i-tsetsek at ererecord.

6. May mga LAC sessions kami sa zoom at minsan pa ay pahirapan ang signal dahil hindi naman lahat ng lugar ay biniyayaan ng mabilis na internet signal.

7. Mga paperworks at reports na dapat tapusin dahil agad agad na kaylangan, at etc.

8. Kung trabaho lang ang pag-uusapan, nasa guro na ang lahat ng iyan. Kung wlang pandemya at may ipagagawa sa mga guro, wlang reklamo kayong ma ririnig sa amin. Ngunit ngayong may pandemya at hindi inihinto ang sweldo namin, parang ang laki ng kasalanan naming mga guro at panay ang kutya ng iba sa amin. Nananahimik lamang kami at nag tatrabaho. 

Hindi kami nagre-reklamo sa trabaho namin lalo pa’t para ito sa ikabubuti ng aming mga mag-aaral. Ginagawa lang namin ang nararapat at sumusunod kami sa lahat ng utos galing sa itaas. Huwag kayong humusga kung hindi nyo  naman alam ang sitwasyon. Tayong lahat ay apektado sa pandemyang ito at kahit papaano, unti-unti tayong bumabangon. Dapat sana ay magutulungan  tayo at hindi nalang dapat magsisihan o mamintas sa mga trabaho ng iba. Gawin natin ang nararapat at huwag na ninyong pintasan ang trabaho naming mg guro. – Clea | Helpline PH

2 thoughts on “Mga guro daw, nag e-enjoy, nag su-sweldo at walang ginagawa (Reaksyon bilang isang guro)”

  1. Akala ng mga iba jan, kay dali dali ang trabaho ng mga guro ngayon dahil hindi kmi pupubta daw sa,paaralan (walang face to face) ang hindi ninyo alam madlang people, nag oovertime kami sa pagprint ng modules. mag accomplish ng weekly report, gumawa ng schedule and weekly plan, magmonitor sa fb page/GC , calls, txt messages ng mga sch heads na ura urada gagawa ng report ASAP.
    MAG CHECK NG SANDAMAKMAK NA QUIZZES, MAGRECORD NG SCORES. MAGRUBRICS NG ACTIVITIES.. akala nyo kay dali2 ang ginagawa namin ngayong may pandemya. nagkakamali kayo.
    sarili naming ang load sa internet. In the first 4weeksd printing modules sarili namin ang pinambili ng coupon bonds dahil wala agad naibigay na bond papers, bumili kmi ng mga inks para kmi mka print, 27 pages ang isang subject. 35-40 ang pupils/learners sa isang class. 10 to 11 subjects. magkuenta nga kayo kung may time pa kmi mag lakwatsa?may time pa ba kmi magpahinga. nag oovertime kami para matapos lng ang mga ginagawa dahil bukas iba na naman ang gagawin. . nadjan pa ung mga learners at parentsna di masyado maintindihan ang topics sa,module. mag txt, mag call mag chat, then we have to enterain all these task .
    Nag susweldo kmi? dapat lng kc higit pa ang ginagawa namin ngayong may pandemya. ang ginaginagawanamin noong walng pandemya at hindi namin kagustuhan ang nangyari.
    kayo na tumayo as teacher, tingnan natin kung hindi kayo quit agad.
    Yan lng naman ang mga ginagawa namin mta guro. Wala kming karapatang magkasakit, wala kming karapatang magreklamo, wala kming karapatang hindi magcomply sa mga utos galing sa taan.
    😂 O KAYO NA ANG MAGING GURO. 😂para mafeel ninyo ang mga efforts namin.

    HAPPY TEACHERS'DAY TO ALL TEACHER.
    #PARA SA BATA
    #PARA SA BAYAN
    #SULONG EDUKALIDAD
    #THE FUTURE OF THE YOUTHS DEPENDS ON US🙏🙏🙏

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *