Mga pinaglalaanan ng mga guro kapag nag lo-loan
Kapag ang isang guro ay nag-loan, paniguradong may mga kadahilanan siya. Ang pag avail ng loan sa mga bangko ay nakakatulong din naman sa mga guro lalo na sa mga oras ng pangangailangan.
Pag uusapan natin ngayon ang kadalasang pinaglalaanan ng isang guro sa kanyang loan.
1. Pagpatayo ng sariling bahay
Hindi naman kasi kaagad makakapag patayo ng bahay kung hindi talaga pinaglalaanan. Kadalasan sa mga guro ay nag lalaan talaga para dito kaya minsan ay nag lo-loan sila. Hindi naman sayang kasi may proyekto namang nakikita.
2. Pagpapakasal
May mga guro din na nagpapakasal at syempre mag lo-loan talaga ng konti para dito. Kadalasan ito sa mga lalaking guro na plano nang pakasalan ang kanilang mga nobya.
3. Pang negosyo
Ito ang pinaka magandang proyekto sa lahat dahil dito ay walang lugi. Sa pag nenegosyo, kailangan talaga ang pera para pang simula at dapat ay masinop ka din. Dapat galingan ang paghawak ng mga kinikita sa negosyo upang hindi ka malugi.
4. Pambayad sa ibang utang sa labas
Ito ay kadalasan ding ginagawa ng mga guro. Para makabayad sa utang nila sa iba, ay mabutihin nilang mag avail nalang ng loan. Mas mainam na kasi kapag sa bangko dahil automatic naman na payroll deduction. Mas di na nakakapagod isipin pa buwan buwan dahil sa payslip na yan tatatak.
5. Pang tuition ng mga anak
Yung ibang guro, sa tutition fee ng mga anak napupunta ang mga ni lo-loan. Ang importante ay nakakapag-aral ang mga anak nila at sa mga araw na darating ay magtatapos din. Ito ang kadalasang pinag tutuunan ng pansin ng mga gurong magulang din.
Conclusion
Hindi masama ang mangutang kung may pinupuntahan naman ang lahat ng pera. Para sa mga guro, ito lamang ang tanging paraan upang maka ahon ahon sa buhay. Wala namang guro na naging mayaman, at kadalasan ay kontento na din basta lang may kakainin pa. – Clea | Helpline PH
If you’re looking for FREE downloadable teaching materials and resources such as workbooks, worksheets, forms, guides, and modules, you can download it below:
[table id=1 /]