Viral: Isang Public Teacher nagsilbi bilang Frontliner


Kahit napakadelikado at malalagay sa peligro ang kaligtasan kapag magsilbing frontliners sa banta ng COVID-19 ay hindi ito alintana ng ating ka-guro na si Sir Edmon Merciales. Maliban sa pagiging guro ay naglingkod bilang isang Laang Kawal o Reservist ng 405th Rizal Community Defense Center na may hangaring tumulong at wakasan ang epidemyang lumalaganap sa ating bansa.



Kaya naman malaki ang ating pasasalamat sa mga katulad nilang frontliners na kayang ilaan ang buong buhay para sa kapakanan ng ating bayan. Sumasaludo po kami sa inyo Sir Merciales at sa lahat ng frontliners.

Nawa’y maging inspirasyon ito sa iba nating mga ka-guro na nais maging frontliners o di kaya’y gustong tumulong kahit sa simpleng paraan upang mapuksa ang ating kinakaharap na kalaban. Sapagkat malaki ang ating paniniwala na kung tayo ay magtutulungan, walang anumang problema ang hindi natin kaya lampasan.

Ang kwentong ito ay umani ng iba’t ibang papuri at komento:



Basahin ang buong kwento:


Credit: ANG LAYAG PAGE