Skip to content

“GSIS no more”, An agony of a teacher family

“GSIS no more”, An agony of a teacher family

A viral sentiments of a family towards their experience with GSIS service went viral online.

GSIS NO MORE

The agony of the teachers family:

When I tell teachers to prepare for retirement and to get insured, the most common objection is : “MAY GSIS NAMAN AKO”.

Now, read this!! Do you know what will happen if the member dies before retiring? In this case, the heirs/beneficiaries got ZERO, ITLOG, NADA.

Read story here:

#GSIS EXPOSE’, BEWARE!!

We need help on this, what to do and where to go? (Long Post, pls care to read) 

Matapos ng lahat ng pagod, gastos, nasayang na oras at stress na dinanas ko, may karapatan naman siguro akong ilabas at ibuhos yung frustrations ko.

My father is a teacher for 32 years, retiring from work supposedly last July 13 this year. He did submit his application for retirement June 27 at GSIS Tacloban. And received by the agency same day as per Acknowledgement Receipt na nakita namin. Unfortunately, that same day inatake siya and was admitted in the hospital. His co teachers advised me na makiusap sa GSIS na if pwede to adjust the retirement date considering the fatality of his health condition. Hindi na daw pwede kasi submitted na daw sa Manila Branch. Out of luck, Papa died July 2, 2019. Meaning to say 5 days na na process ang retirement niya ng agency.. I was even given the tentative computation of his Claims like SURVIVORSHIP, DEATH CLAIM AND LIFE INSURANCE. Since Papa died on service, half lang daw ng total retirement benefit na ma rereceive namin as heirs. (bisan 5 days na nga nareceive nira an application,   grabe mga inconsiderate) 

Pagkatapos ng pgluluksa namin, inasikaso ko yung GSIS FUNERAL/DEATH CLAIM niya and submitted October 2.

Binigyan ako ng tentative computation, pinaliwanag kung ano pang mga makukuha na benefits nya:

  • Cash Surrender Value (Life Insurance Benefit)
  • Survivorship Benefit (lumpsum)
  • 30k Funeral Claim

I submitted every paper they need. After roughly a month or over. lumabas yung resulta ng Cash Surrender Value (Life Insurance). Nagulat ako ZERO proceeds. I went to the agency personally for verification.. Was trying to calm down dahil a staff told us na my Survivorship pa daw around 360,000 that will be divided into us siblings then the process is on going na daw. And we’ll just wait for a text message.. Then after a week I never received a message and went back to the agency to follow-up.. To my surprise, ZERO proceeds pa din.. Haaays!!! 

Kasi daw may utang pa si PAPA kaya ibabawas daw dun. Hala!!.. Where is the so called INSURANCE? .. Bawal na mamatay ngayon on service, kulilat pamilya mo.. 

Im trying to calm myself but this is over. 

We’re not fighting this for money sake.. Ipaglalaban ko to dahil ayokong masayang yung 32 years senerbisyo ng Papa ko sa Gobyerno. He worked for this for his family, pinag paguran. Ikinamatay para sa pamilya , HINDI PARA MAPUNTA LANG SA BULSA NG MGA MAPAGSAMANTALA. 

#GSIS DIARIES

Credits to Rochie Montano

52 thoughts on ““GSIS no more”, An agony of a teacher family”

  1. TOTOO ABOLISH NA YANG GSIS PARA MGA TEACHERS..SO UNFAIR. AMG DAMI NG GANITONG CASES SANA NAMAN MAPANSIN ITO NG DEPED. KAWAWA MGA TEACHERS MONTHLY KINAKALTASAN AUTOMATIC NG GSIS TAPOS MAY EMERGENCY NA GANITO HINDI MAIIWASAN WLANG MAKUKUHA? NAKAKADISAPPOINT PINAGPAGURAN YAN NG TEACHER TAPOS ZERO?

    1. I remember din sa program ni Sir Raffy yung isang teacher na taga Cebu ata yun not sure po, naputulan ng isang paa. Nung mag apply ng Disability di dw pwede kc wla dw Partial disability ang GSIS. Galit na galit c Sir Raffy, ibig pla sbihin kelangan total disability ipaputol pa ni techer ang isa nia paa para maqualify sia sa Total Disability. What kind of Government agency meron tayo. Asang asa ka na after mo sa serbisyo me makukuha yun pla Olats!!! kawawa naman mga empleyado.

    2. Sana mag private insurance nalang ang mga tchers 5yrs to pay lang pero lifetime protection, nkkalungkot nman baka pag natsugi ako ganon din mnagyari puro na loan

      1. Isa pa mipo iting mga arrearges nanagpapahirap po sa aming mga guro.Bakit palaging may arrears na buwan buwan may kaltas yung sahod namin.Pag mag aply ng loan konti nalng ang mattanggap dahil binabawas sa mga arreareges na yan Paano ba sila nakatutulong sa mga guro ,king tutuusin pera lang namn namin yang inutang namun a! Ang laki ng interest at surcharges.Please pakituiungan namn po kami para po maibsan na ang masamang nararanasan naming pahirap ng GSIS sa amin

      2. Nakaktakot po ang GSIS ma’am kasi po my kakilala akong nag retire wala pong nakuha sa GSIS an sabi may mga arrears pa daw eh d naman yon naglo loan

      3. Grabe naman po, 32 years teaching tas Wala man lang makuha…dapat kahit died on service icompute pa Rin Ang mga contributions niya throughout his service

    3. Rita Gay Zeta-Francisco

      Yes, ako po ay merong monthly deductions sa payslip tapos magkakaroon ako ng arrears sa loan 70k. Pano po nagkaka arears? Please po vice president Sarah Duterte bigyan nyo po ng pansin ang mga hinaing ng teachers.

    4. Totoo po ganid ang GSIS na iyan marami po kaming kaguro na nag retire na nilagyan nila ng loans tapos nagtuturuan ang mga agency Dep.Ed,IBM, GSIS kung sino ang dapat susihin marami din pong nagretire n guro na ung supposedly pensyon nila ay ibinabayad pa sa GSIS mga buhay pa po ang mga guro n iyon n nkaranas ng mga pandaraya ng GSIS kaya po Secretary Sarah Duterte kayo po ang aming pag asa sa mga hindi makatarungang ginagawa ng GSIS sa kanilang mga miyembro pinalolobo po ang aming utang at wala man lng binibigay na consideration o loan restructuring dapat po palitan n ang namamahala sa agency n iyan may MAFIA din po dyan tulad ng PHILHEALTH

      1. Aki sin po sinulatan aki ng GSIS na hindi aki nakapagbayad ng utang yet tapos na nabayaran ko na. Bumalik aki sa probinsya upang kunin ang payslips ko para may basehan sa pag reconcile ng records Kasi walang maibigay ng DepED region na certification of fully paid loans. Yong payslips na lang ang natatanging ebidensya na gamitin so compile all your payslips.

    5. Yes,ganyan nga po, Ang tanong ko, buwan buwan po ay nagcontribute Ang members Ng gsis Ng para sa life and retirement bakt nga po pagka namatay in service ay saka lalong maliit Ang nakuha samantalang dapat nga po full coverage na dahil sa NASA retirement age na at saka more than 3o years na nagsilbi sa gobyerno, marami po kaming ganyang cases na namatay in service Ang guro pero Hindi makakuha Ng full benefits, Lalo na kung Walang Asawa at anak at ung mga namatay na Wala Ng dependents, c kawawang pamilya Walang naiwang ipambayad sa mga hospital bills Ng member.Saan na po nagpunta Ang mga hinuhulog o kontribusyon ni member. Di ga po tumutubo Ang among contribution dahil iyan po ay pinapautang Ng salary or housing loan na malaki interest, bkt po lumalabas na Walang kinita Ang contribution ni member, Dapat po talaga bigyan Ng pansin Ng ating deped secretary ito para sa kapakanan Ng mga members po Dyan Lalo na po ung mga teachers.

  2. Good day!
    Sana makarating ito sa ating mahal na Pangulo at Pangalawang Pangulo at mabigyan ng agarang sulosyon. Magbigay ang pamahalan ng subsidy o di kaya amnesty program sa mga pagkakautang ng mga guro sa GSIS, babayaran ng mga guro ang halagang nautang. Tapos gawing Maka tao ang kanilang mga polisiya na pabor sa mga guro. Pag dating ng retirement age ay mayroong magandang bunga ng pinaghirapan, hindi problema na magiging sanhi ng kawalang pag-asa sa buhay. Kapag walang aksiyon na pabor sa mga guro ang ating pamahalaan , pag dating ng panahon, isa ako sa mga magiging biktima ng ahensiyang bulok.

    1. Buaya talaga yang GSIS, pahirap yan sa mga guro. Pera naman natin yong inutang natin, wala namang dividend na ibinigay. GSIS…. makunsensya naman kayo. Malalaku pa naman sahod nyo. Kahit nga janitor at driver nyo, malaki sueldo.

  3. Please try to ask help from Senator Raffy Tulfo.
    Bakit KASE ganyan?! Nasaan na Pala ang insurance?!
    O Kaya pa help Kay VP Enday Sara Duterte kase sya naman yung Dep Ed Secretary natin.
    Dapat ma solve ang mga di makatarungang Gawain ng GSIS.

    1. Ako din need ko talaga Ang help ,Gani to din Ang problema ko Po,Ang loan ko ay 100k lang ,may policy loan din,tapus nahinto Ang aking deduction,Mula noon lahat Ng mga pa loan Ng GSIS Hindi na ako pwede maglaon dahil Wala àkong deduction sa console loan ko at policy,Ngayon pinadahal ako ng demand letter ,pinuntahan ko sa GSIS office ,imagine lahat Ng bayarin ko ay naghalaga Ng 708k mahigit…paano ko ito mabayaran ?3years from now mag retire na ako,cguro Wala àkong matanggap na retirement pay kunin Nila lahat para bayad sa loan ko sa manila ,kawawa Naman ako po.ang Akala nation na nagshare Ang teacher sa GSIS para may masandigan at maaasahan kapagay mga problema Lalo na sa pag aaral Ng mga bata ,yon palay “tabang lusngo”man diay,Sir tulfo and VP Inday Sara pls, pls,help me maawa Naman kayo sa akin.hindi lang ako Marami kaming mga teacher na nagkaruon Ng napakalaking errears samantalang may mga deduction Naman din cla…maawa Naman kayo sa mga teachers.tulungan ninyo po kami.🥲🥲🥲

  4. Sana baguhin ang pamamalakad sa GSIS pagdating sa mga benefits ang laki ng ikinaltas sa sahod bawat buwan pagkatapos ZERO…
    Mabuti pa siguro magseparate nalang ang deped sa gsis kagaya ng men in uniform.

  5. Dapat na protectiion must be needed to all the government employees dahil at the age of 60 magreretire na kami wala pala kaming makukuha na pera sa GSIS ? For more than 30 years in the service hindi pwedeng zero proceeds ang maipapakita ng GSIS sa amin.

  6. Agree po ako na i abolish na yan. Iginigisa tayo sa sariling mantika. Ang niloloan din natin ay ss atin din galing, may bawas pa

  7. Kaya Ngayon na pwede nang e redeem Ang loans natin from GSIS, e redeem na natin sa PLI totoong natapos Ang loan sa GSIS, Hindi natapos Ang loan natin Kasi kaht d Tayo magloan, Yung interests ng mga niloan natin hanggang dulonng serbisyo natin andyan pa,ganyan kasaklao Ang GSIS..kaya sana ma review ni Madam Sec.yan

  8. Melvina B. Baloloan

    Sa akin po sana huwag naman po 3 years backward ang retirement computation ng guro . Sa sundalo 1 rank higher ang computation kahit man ang po current salary sa guro. Maraming Salamat po sa inyong aksyon.

  9. D na lang isolated case ito. Madami nang ganito kaso. Bakit Hindi pinapansin Ng gobyerno Ang hinaing Ng mga guro laban sa gsis? Palitan Ang leadership Ng gsis o d kaya ay I abolish na Yan. Dun nalang Tayo sa APSLAI

  10. Yung kasamahan ko sa trabaho doctor nag ka covid ….₱3,000 lang ang EC na nakuha employees compensation. Nakakalungkot . Matapos maisugal ang buhay para sa mga patients , ₱3,000 lang ang compensation . Serbisyo naman talaga ang una sa lahat na ating goal at hindi ang kumita , tama naman yun . Pero sana naman may konting katarungan . Tapos ang daming documents pa ang kailangan bago naka avail. ☹️

  11. Ako nagconsoloan 250k nasuspend Ako for 9mos. For performing my duties Ngayon Ang 250k ko 1.2 m na magkano na aabutin Niya pagretire ko? Yong more than 40 years of service ko nganga aabutin.

  12. Ako, 2005 nag loan po ako sa GSIS, emmidiately I sign an authority to deduct but they never deduct, 2006 I also sign another authorization to deduct, until 2007 nag sign pa rin ako Ng authorization to deduct but until they can not deduct anymore because I have other loans on PLI,s now they send me notice of my overdue MPL .. ALMOST 500t na.. nasaan ang justice

  13. I was once a victim of GSIS, way back 2015 I applied for an emergency loan of 20k, the next year they offered again an emergeny loan I did not avail thinking that I will be getting a small amount only for I just paid a year, on the next year again 2017 another emergency loan was being offered, so I decided to avail because of my 2 years deduction on my payslip, to my surprise when I swipe my umid card my proceed was just good for 1 year deduction! I talk to the branch manager she printed me a document stating that I renewed my emergency the other year when infact I did not, nd because I am just new in the service that time I had nothing to do but to pay…

  14. Dapat po talaga mahinto na ang ganitong kalakaran ng GSIS. Napakahirap tanggapin na ipinaglalaban ng gobyerno natin na proteksyonan ang GSIS kahit na alam nang Gobyerno na talamak na ang kasamaan at kawalang puso ng GSIS lalo na sa mga Guro ng Pilipinas na patuloy na pinahihirapan sa mga loan at sa mga interest na ipinapatong ng halos doble at pinagbababayad over the counter para lang masettle ang mga interest kung hindi ang lalong lolobo. Ang ganitong pangyayari ay isa lamang sa mga corruption na makikita sa isang Sanggunian ng Pamahalaan. Keso Insurance Kuno pero parang Burden pa sa mga Pilipinong Guro. Bakit di kaya ng GOBYERNO na iahon ang mga Guro sa ganitong SITWASYON? Ano ba ang ipinaglalaban ng GOBYERNO? Meron bang dapat malaman sa likod ng mga Bagay na ito BAKIT sinusuportahan ninyo ang GSIS sa Kabila ng mga Pahirap at talamak na koruption nito sa mga mahihirap at naghijirqp na ngang Guro.? may PAIPITba? tanong lang naman. Sana President Ferdinand Bong Bongarcos Jr. Ibinoto po namin kayo upang bigyan SOLUSYON ang aming hinaing sa GSIS. at kung MAAARI po ay ialis nyo na kami sa Ahensyang Ito na wala namang pakinabang at puro pahirap ang ang dala. Salamat Aming Pangulong Marcos Jr. God bless Philippines.

  15. Walang naitutulong Ang GSIS s mga empleyado mas Lalo pa nga kming nabaon s utang kasi d nmin maintindihan explanation nla….parang expanded interest parang naluluto kami s sarili naming mantika…..Sana tulungan kming mga teachers na hirap na hirap Ng intindihin Ang GSIS…..Lahat Ng sakripisyo at buhay nmin binigsy n nmin pero wlng kwenta mga benepisyo Ng GSIS

    1. Ganon din sa Case ko..nagloan ako 2014, 55K ilang months hindi sila nagdeduct puminta ako s main Office ng GSIS bakit hindi nagdeduct baka magkarrears ako niyan,Sabi iprocess at ayusin nila ,sobrang busy na ako noon at hindi na naasikaso,after 1 year bumalik ako sa office nila 22K na ang arrears ko,umutang ako ulit pra mbayaran ang arrears ,mkalipas ang ilang buwan hindi cla nagdeduct,kaya nagka arrears
      na naman ulit binayaran ko na lang ng over the counter kasi takot na ako sa dagdag na arrears.Sobra na talaga ang GSIS,marami ng case niyan dito sa amin sa Mindanao na part.Grabe talamak ang ganitong kalakatan,kung may pagpipilian lang sana na ibang insurance para sa amin.Mas maganda pa ang offer ng ibang insurance at mas maliit pa ang kaltas kaysa GSIS..Please help us…to our new Administration we are hoping for your positive action.Thank you.

  16. Pwedi Hindi mag join Ng GSIS? iiponin ko nalng Pera ko. Laki pnman kinakaltas nila tas salary grade 11 lng my mga utang pa at gastusin at my pamilya PNG binubuhay..

    1. I have inquired that already when I was new to,deped but sad to say hindi daw po puede kc pagpumasok ka sa government automatic member ka ng gsis

  17. I think better not to loan with GSIS then. Pero sana lang ibalik nila ng buo lahat ng mga naihulog natin. I would like to recommend that this should be reviewed by the new administration. In case it is not helping us anymore, then, we should as well look for a private insurance that could really protect us when we retire. I just hope and pray that the government will look into the welfare of people We only live once and this should be a meaningful life to all of us. Hindi na nga po kataasan ang ating mga sahod as teachers, yung inaasahan pa nating benefit when we retire cannot even answer our need. This is disappointing. We should benchmark in Saudi po napakaganda ng kanilang programa sa bawat government employee nila. They have early retirement and they are so happy to retire because of the benefits they receive.

  18. kahit hindi ka mag loan sa GSIS ay bigla ka magkakaloan ng hindi mo nalalaman, tulad ng nangyari sa co teacher ko, hindi cya nag loloan sa GSIS dahil ayaw nyang magkautang. nang emergency na kailangan nya ng pera dahil na ospital mother nya, nag loan sya sa GSIS, at laking gulat nya kung bakit merong arrears na nakatatak at meron daw siyang utang na 45k+. nagreklamo kami sa GSIS, ang sabi ay nakaloan daw sya baka lang daw nalimutan nya. panong malilimutan eh hindi nga siya mahilig mag loan dahil pareho silang may trabaho ng mister nya at wala silang anak na pinapag aral. sabi ko nga may hokus pokus na nangyayari sa loob mismo ng Ahernsya. sana nga mabigyan pansin ito ng ating pamahalaan.

    1. Marami din teacher ang naka experience na palagi nilang binago ang termination date ng mga loans paano matapos ang loans at wala pa nang maliwanag na explainations where in facts palagi nman itong nag deduct sa payslip namin.

  19. Napakaraming hinaing ng mga kapwa ko guro na pawang katotohanan. Ako may nakaranas din na magkaroon ng renew sa energency loan kahit di ako nagloan. So nagtanong ako sa staff ng gsis sabi nila magloan ako sa mpl automatic daw makakaltas ang existing emergency ko at mawawala na, so i did. after a month or two andun pa din deretso ang kaltas. kaya nung nagkaroon ng emergency loan para sa pandemya nagrenew na ulit ako kahit kaunti lang makukuha ko at least napakinabangan ko. Ang tanong, paano kaya makakarating sa kinauukulan ang mga bagay na ito. Sana ang may tumulong man lang sa atin para ito ay maipaabot sa kanila.

    1. Me too sir, since then nag.loan ako sa GSIS, never been recieved any amount of dividend. Mabuti pa sa mga private lending nka.received pa ako na kahit na small amount lang loan ko.

  20. Yes this is very true, ang tito ko na kapatid ng papa ko more than 35 years as government employee, namatay sa covid last year lang po, until now ang asawa at mga anak niya never been recieved any any amount from GSIS, dahil daw sa loan niya,, nakakalungkot lang isipin na He worked well sa Government kahit masama ang pakiramdam ayaw umansent, ngayon wala man lang natanggap na Insurance from GSIS.

  21. Ako naman may nagloan gamit pangalan ko when I was still single. I was informed of the loan 18 years after. Sobra na ang loan amount at nagka-interest etc na. I am in the state of shock at nawawalan na lakas at tiwala sa ahensyang ito.Till now, I wish to confront the co-maker naka-indicate sa loan form na pinakita sa akin ng ahensya Pero she already has retired at matanda na. Please advise me kung ano dapat gawin.

  22. Please check the RA180 or civil service civil code. There’s a portion there that all officials and government employees should be prompt in letters and request not exceeding 15days. Start of filing was June 27 and died on July 13. It was clear that request should have progress or done the day he was died. Just make a letter of complaint directly to CSC against the personel or officer you have encountered in GSIS. Or try to go back again in GSIS and discuss the whole RA180 of civil code. Hope this would help.

  23. GSIS walang paki alam sa mga teachers… At wala ring paki alam ang gobyerno natin…. Hindi tayo pinaniniwalaan! Natatakot din akong maretire after 10 years baka wala akong makuha…. Ang laki laki nga arrears ko sa loan na automatic deduction naman sa sueldo ko…

    Mabuti pa ang mga pulis at military pag nasa duty ka mamamatay… Milyon ang makukuha mo…. Ano ba yan GSIS…. ewan ko lang kung maniniwala ang Marcos administrasyon sa atin….

    1. Ako hindi nag lo loan.. Nagulat na lang ako na may salary loan ako.. Nong nag process ang from. CM to LP…. Sabi ko pa imbistigahan ko… Alam nyo kung anong sagot… Habang iniimbistigahan yang complain mo lolobo ng lolobo ang interest ng loan mo, matagalan pa yong processo, ang gagawin mo para mawala ang interest na 80k.. Mag consol loan ka.. Yan na lang ang paraan para mawala ang loan arrears mo…

      Kita nyo yan…. Haaaiiisssttt

  24. Ganyan din nangyari sa ate ko namatay ng hindi napakinabamgan ang pension 35years in service na Teacher. Ganyan di nang experience ko 60 years old n ko wala akong makukuha dahil sa utang at arrears Kaya extension pa ng another 3 years. Dahil 3 years backward pa. Hayssssss Sana Mabago n ang GSIS.

  25. Its the same for us, when my mother died, we also got ZERO for her almost 20 years in service… People thought we got so much, but when we showed the computation of ZERO, everyone was shocked. That is why being in the same profession as my mother, I am planning to leave the service as much as I want to stay, because GSIS is putting us, every educator in a much deeper debt because of the high interest, instead of helping us, they make us take the loans in a longer year, they are gaining more because of it.

  26. Ganyan din po ang nangyari nung mamatay ang asawa ko, 32 years of service, 53 years old dahil sa lung cancer. Ang sabi ay kalahati lang ang matatanggap namin ng mga anak ko dahil namatay na raw ang member, pati pension kalahati lang.
    Nakakalungkot kasi parang hindi namin nakuha ang dapat na amount katumbas ng 32 years ng givernement service na dapat matanggap kapag nag-retire….. ano naman ang problema kung ang pamilya ang tumanggap ng kabuuan ng retirement niya, pinagtrabahuhan naman yun ng member, fi
    naman niya ninais na hindi makapag-retire at sumakabilang-buhay…. kaya lang ganun da nakasaad sa batas…. kaya wala akong magagawa kung hindi tanggapin ang lalabas sa kanilang computation, na parang hindi makatarungan.

  27. I have my own story ,too. All i know , ang emergency loan ay payable in 3 yrs. Nag loan ako ng emergency. After two years, nag offer sila , di ako nag renew dahil gusto ko tapusin muna. Para sa susunod na mag offer sila, buo na 40K na ang makukuha ko. Yun ang plano ko. What happened is , a few months before ma end of term na sana ang payment ko, nag renew ako knowing na mas malaki na makukuha ko dahil ilang buwan na lang ang di ko nabayaran. Only to find out, when i filed an emergency loan, nag renew daw ako after 2 yrs, kaya kaunti lang yung proceeds ng loan ko. UMINIT TALAGA BUONG KATAWAN KO. SABI KO, PAANO AKO NAGKAUTANG NG TIME NA YAN EH WALA NAMANG CALAMITY THAT TIME, at kung meron man hindi ako nag loan!!!!!Pero sa RECORDS NILA, meron na CREDIT DAW sa Account ko…..OMG. Dahil BADLY NEED ng self…..CGE KUNG ANO NA LANG MAKUHA, ,na parang TINANGGAP MO NA NA UMUTANG KA NGA, WHEN IN FACT HINDI, PARA LANG MAGKAPERA ULI DAHIL GIPIT SI SELF. What a shame GSIS is doing this to us!

  28. absolutely accurate po.
    Kaya napilitan na umalis ang mga sundalo dahil sa kalokohan na iyan.
    Mga guro walang laban dahil chalk and raser lang meron.
    Sana bigyan pansin ang malaking problema na ito napakaaking bawas sa swldo pero pag namatay ang may katawan wala itlog ka nganga pa.

  29. BC kahit walang ginagawa

    marahil ang mga dahilan kung bakit may mga arrears ang mga umuutang ay ang mga sumusunod:
    1. hindi agad na-i-i-remit ang kinaltas sa atin (lalo na kung under ng division or non-implementing unit ang agency halimbawa sa deped),
    2. kung minsan kapag hindi tayo nababawasan sa pay slip (natutuwa tayo kc walang kaltas) pero hindi natin alam na “baka” hindi nakakaltasan kc bka hindi updated ang listahan sa mga may utang ( para po ito sa mga non-iu’s)
    3. at kapag nagpakwenta tayo GSIS ay tsaka lang matutuklasan hindi pala nakakaltasan (kaya dapat kung nakaltasan ay hawak mo ang iyong pay slip para may ipapakita ka sa kanila),
    4. pero, may mga pangyayari din naman na “sabi may utang daw pero di naman nangungutang” isa ito sa malaking katanungang “PAANO NANGYARI YUN”
    5. mas mainam, dapat lagi nating itanong o mag-update sa portal ng GSIS thru GSIS Touch, sa ganitong paraan, anytime makikita natin kung anong status ng mga utang natin, makikita din kung ano ang mga pwedeng i-loan depende sa hinihingi ng pagkakataon.
    6. sa kaso sa itaas, masakit man isipin kc yung inuutang ntin sa kanila (GSIS) ay yun din inihuhulog natin. cguro nasa atin din ang problema kung minsan. sabi nga ng iba, “KAPAG NAG-IPON KA, HINDI KA MAKAKABILI NG GAMIT, PERO KAPAG NANGUNGUTANG KA, NAKAKABILI KA NG GUSTO MO” pero kapg nangutang ka, siymepre may tubo o patong na yun, kaya mas mainam cguro, bago tayo bumili o mangutang, yung talagang kailangan b natin mangutang o gusto lang nating umutang.
    7. at dahil may batas at policy ang GSIS, wala talagang tayong magagawa, nagbabase sila sa batas kung ano ang desisyong ng GSIS, hindi nila pinagbabsehan ang hinaing ng miyembro. yun ang masakit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *