Skip to content

Viral: Biology teacher, pinusuan sa kaniyang cover ng kanta ni Moira

Viral: Biology teacher, pinusuan sa kaniyang cover ng kanta ni Moira

Pinusuan ng maraming netizens ang viral video ng isang mag-aaral sa Davao City kung saan mapapanuod ang kanilang teacher na kumakanta ng sikat na “Babalik Sa’yo” ni Moira Dela Torre.

Ayon sa uploader na si Kirstin Fordelon, si Teacher Chrisel Joy Dela Cruz ang nasa video, isang General Biology teacher ng Davao National High School sa Davao City.

“Kakatapos lang namin lahat sa performance task namin by group tapos energetic and happy kaming lahat kasi perfect yung all groups tapos may group na nagdala ng guitar and sakto rin kasi homeroom time na ‘yun nag-pasample kami sa adviser namin nag request kami nyan na song,” saad ng mag-aaral.

“Pinost ko pag-uwi ko ‘yung video dito sa dump account ko tapos na-shock na lang ako ‘pag log in ko ulit dami ng views,” ani Kirstin.

Libu-libong netizens ang humanga at pinusuan si Teacher Chrisel.

Hindi naman kataka-kataka ang husay ng guro dahil  naging winning contender na ito sa “Tawag ng Tanghalan” ng “It’s Showtime.”

Taong 2016 nang unang sumali si Teacher Chrisel sa kompetisyon. Nagbalik ito sa parehong kompetisyon noong 2017 kung saan nakatunggali niya si TNT Champ Janine Berdin.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *