Gurong hindi makapagbigay ng 5k pamasko, magulang ng inaanak nagalit

5k pamasko

Gurong hindi makapagbigay ng 5k pamasko, magulang ng inaanak nagalit

Nagpahayag ng magkadismaya ang isang guro matapos makipagpalitan ng mensahe sa magulang ng kanyang inaanak.

Batay sa social media post ng guro, humingi ng limang libong pamasko ang magulang ng kanyang inaanak, pambili ng tablet. Ngunit masyadong malaki ang halaga at tatlong libo lamang ang kayang ibigay ng guro. Nagalit ang mga magulang nito at sinabihang kuripot ang guro. Saad pa nito na sana’y hindi nalang ito naging ninang ng anak.

Tinanggihan ng magulang ang tatlong libo sapagkat maliit na halaga lang daw ito. Lalo na, na isang guro ang ninang ng kanyang anak na siguradong may bonus na natanggap.

“‘Makahiubos🙄🙄 Gusto raman unta ko mubawi ky lagi sukad masukad waku kahatag para dang tabang nlng pud ky wapud trabaho ang ginikanan pero inganion ra diay ta😩 Di naku mangugos😭 Mandatory na diay ron unyag wala jud ikahatag ky weather2 ra rabag panahon makob mahayang so mahayan ta aning gihimong ninang💔💔”

(Nakakadismaya. Gusto ko lang naman na bumawi dahil hindi ako nakapagbigay sa kanila at parang tulong na rin sana dahil walang trabaho ang mga magulang, tapos ganito lang. Ayoko ng mamilit. Sadya nga bang mandatory na ang pagbibigay sa panahon ngayon? Na kapag hindi tayo nakapagbigay ay magsisisi sila kung bakit kinuha pa tayong ninang.)

 

Matatandaan na sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na pagbibigay ng regalo tuwing Pasko, hindi obligasyon ng ninong at ninang. Maging mabuting ehemplo sa mga inaanak at gabayan sila kahit walang inaabot na aginaldo.

Nagsorry naman ang mga magulang sa guro sa nangyari at nagkaayos na ang mga ito.