VINSET 2.0 KINAGILIWAN ONLINE: Sino si “Vincent”?

VINSET 2.0 KINAGILIWAN ONLINE: Sino si “Vincent”?

Matunog ngayon ang pangalang “Vincent” sa mga guro online. Medyo maaaliw ka talaga kay Vincent kung makaka-relate ka sa post ngayon online. Tayong mga guro lamang ang makaka-relate dahil si Vincent ay parte ng ating bakasyon (lol).

Nag viral kasi ang post na napasa-pasa sa social media. Ayon sa isang mister, nitong mga nakaraang araw daw ay palaging tutok si misis niya na guro sa laptop. Bukambibig daw nito si “Vincent” at gumigising daw ito ng madaling araw para kay “Vincent” (lol). Medyo nag-aalala na ang mister sa kanyang misis dahil kay Vincent.

ctto

Sino nga ba itong si “Vincent” na nagbigay ng talinghaga sa mga mister at misis ng mga guro? Habang sinusulat ko ang artikulong ito ngayon ay hindi ko maiwasang matawa talaga. Natutuwa ako sa reaksyon ni mister na nag-aalala para sa kanyang asawa. Kahit sino naman kasing mister ay medyo mag-alala na talaga at baka nasisiraan na ng bait ang asawa niya.

Ngayon kasi any talagang abala ang mga guro natin sa kanilang VINSET 2.0 (Vincent) kung saan pahirapan din. Ang VINSET (Virtual In-Service Training) ng mga guro ay nagsimula noong Agusto 30, 2021. Talagang pahirapan ang registration dito dahil sa traffic online. Sa dami ba naman kasi ng guro sa Pilipinas, talagang aabutin ka ng madaling araw sa kahihintay. Minsa madaling araw kaming gigising para maka register lang sa VINSET 2.0 na ito.

Ang nakakbilib lang sa mister ay hindi niya hinusgahan agad ang asawa niya. Bagkus ay inintindi niya ang ito at hindi siya nagalit kahit sa akala niya ay si Vincent ang inaabangan ni misis. Nakakatuwang isipin na maraming guro natin ang may ganitong sitwasyon ngayon. Mapalad lang at iniintindi ng mga mister/misis nila ang kanilang trabaho.

Sa mga panahon ito, nag-hahanda ng ang mga guro sa pagbubukas ng klase kaya may VINSET 2.0. Minabuti ng DepEd na magsagawa ng training kahit virtual para ihanda ang mga guro. Kahit papaano ay may katuwaan din namang naibigay itong si VINSET (Vincent) sa mga guro ngayon.  – Clea | Helpline PH