Bakit hinihintay ng mga guro ang umento sa suweldo taon taon
Naturingan na ng mg guro sa pampublikong paaralan ang maghintay sa “salary increase“. Ang umentong ito ay nakatalagang ibigay ng “staggard” sa loob ng anim na taon.
Maiging naghihintay ang mga guro sa umento kada taon. Narito ang kadahilanan kung bakit hinihintay ng lahat ang umento ng suwledo nila.
1. Pandagdag sa budget para sa pamilya
Karamihan sa mga guro ay bread winner ng pamilya. Kung may umento sa suweldo ay madagdagan din ang budget sa pang araw-araw na minsan ay kinukulang pa.
2. Pandagdag sa proyekto ng ibang guro
Marami sa mga guro ang inilalaan ang pera sa mga proyekto katulad ng pagpapatayo ng bahay o negosyo. Kada umento ay dagdag sa perang nakalaan para dito.
3. Pandagdag sa take home pay ng mga guro
Kadalasan sa mga guro ay medyo maliit nalang ang sinasahod o net take home pay kada buwan dahil sa dami ng loans. Ang kaunting umento sa suweldo ay malaking tulong na upang lumaki din ang net take home pay kada buwan.
4. Pandagdag sa pwedeng i-loan ng karamihan sa mga guro
Maraming guro ang nag-aabang talaga sa umento sa suweldo upang makapag loan ulit. Pandagdag sa halaga ng pwedeng madala kapag nag reloan ang isang guro.
5. Pambayad sa mga “undeducted loans”
Minsan ay nakalagay sa undeducted ang mga loans na hindi kayang pagkasyahin. Ang umento ay nakakatulong upang mawala ang mga undeducted amount sa payslip.
6. Sa mga guro na wla pang loans, ang umento ay nakakatulong upang mas lalong ma “motivate” sa trabaho
Aminin natin sa hindi, mas gaganahan tayong magtrabaho kung may hinihintay tayo. Lahat tayo ay nagta trabaho upang kumita. Ang umento sa sahod ay kasiyahan ng bawat isa sa mga guro na tatanggap nito.
Walang guro ang yumaman dahil sa pagtuturo. Sakto lang naman ang sahod ng pagiging guro at ang importante ay nabubuhay ang pamilya ng maayos. Ang pagtuturo ay isang propesyun na hindi matutumbasan ng halaga. Ngayong taon, hinihintay ng bawat guro ang umento ng kanilang sahod. – Clea | Helpline PH