Mga senyales na bagong loan si teacher

Mga senyales na bagong loan si teacher

Kakaiba ang anting usapin ngayon dahil medyo nakakatuwa ang ating paksa. Bilang isang guro din, ibabahagi ko ngayon ang mga senyales kung bagong loan ang isang guro. Hindi lahat ng guro ay may loan. Ito ay base lamang sa mga totoong nangyayari sa karamihan sa amin. No offense, ito ay katuwaan lamang.

Mga senyales na bagong loan si ma’am 🙂

1. BAGO ANG HAIR STYLE

Dalawa lang ang dahilan kung bagong rebond o hairstyle si ma’am, kung may bonus o nakapag loan. Ito ay reward nalang din namin sa mga sarili. Isang beses sa isang taon lang naman kaya pagbigyan nyo na:)

2. BAGONG SASAKYAN/MAY PROYEKTO

May iilan sa amin na may mga proyekto na pinaglalaanan sa aming mga loan. Kadalasan ay sa pag papagawa ng bahay. Meron ding iba sa amin na kumukuha ng sasakyan para sa pang araw-araw na biyahe.

3. SHOPPING

Madalas pag nakapag loan kami, nag re-reserve din naman kami kahit konti pang shopping. Hindi naman ibig sabihin na nag shopping ay sosyal na diba? Minsan kelangan lang din talaga naming bilhan ang sarili namin. Loan man yan o bonus ang importante wla kaming ibang taong natatapakan. Sa huli kami din naman ang magbabayad 🙂

4. FOOD GALORE

Hindi talaga pwedeng wlang kain pagtapos makapag loan. Haler, uunahin muna namin ang aming mga sikmura kaya kain din ng masarap paminsan minsan.

5. ADVENTURE

May iba din na mas gustong mag tira ng konti upang makapag bonding sa kanilang pamilya. Mas masaya naman talaga kung may “adventure” paminsan minsan. Hindi naman sa lahat ng oras ang loan ay para lang talaga sa proyekto, meron din namang pang lakwatsa🙂

6. OUTDOOR STROLL

Meron ding ibang ayaw maglakwatsa sa malayo kaya pinipiling mag stroll nalang. Hindi din naman sa lahat ng oras kailangang malaki ang halaga ng ilo-loan mo. Pwede din namang konti lang pang outdoor stroll mo diba?

Sa hirap ng trabaho ng mga guro ay maigi din paminsan minsan na sila ay maglibang pampawala ng stress. Kaya kung may kakilala kayong guro at panay ang enjoy kahit may loans, hayaan nyo na. Minsan lang kasi kami makalabas sa aming comfort zone. Kontrolado namin ang mga loans namin at alam namin ang aming limitasyon. – Clea | Helpline PH