Malapit na ang bakasyon, makakapagpahinga nga ba ang mga guro?
Malapit na ang bakasyon, makakapagpahinga nga ba ang mga guro? Ito ang unang tanong na masasagi sa isip ng karamihan. Ang pakiwari kasi nila, kapag guro ka ay may bakasyong naghihintay sa iyo. Siguro, sa mga nakaraang taon, noong hindi pa uso sa mga paaralan ang pagiging sekretarya ng mga guro. Ibang-iba na ang set-up ng mga guro ngayong araw kompara dati. Sa totoo lang, hindi talaga makakapagpahinga ang mga guro. Kung bakit kaya ay alamin natin dito:
Bakasyon ang tawag ngunit hindi bakasyon ang inaatupag. Sa dami ba naman ng mga gawain ng guro, kahit bakasyon ay may nakatalagang mga gawain pa rin na tatapusin. Nailalaan namin ang oras sa mga reports, at kung ano-ano pa. Pasanin talaga ng bawat guro ang mga school reports, forms ng mga bata, at marami pa. Idagdag mo pa ang hindi mabilang na mga foms galing sa district na dagdag sa trabaho. Makapagpahinga nga ba ang mga guro sa sitwasyong ito?
- Pag input ng mga data ng mga mag-aaral sa sistema. Dapat pagtuonan ng pansin at oras ang pag input ng mga detalye ng mga bata.
- Seminars or webinars na dapat isa alang-alang pandagdag daw sa karunungan ng mga guro. Dapat nakikinig ang guro dahil may mga activities pagkatapos ng webinar. Kaylangan ito upang makakuha ng sertipiko.
- Pangangalaga sa kanyang klasrum. Dapat ma maintain ang linis kahit walang mga mag-aaral. Dahil sa pandemya, ang mga guro ang naglilinis ng mismong kanilang mga klasrum.
- Responsibilidad din sa sariling tahanan at sa sariling pamilya. Ito ang pinaka huling gagawin ni guro pagkatapos niyang magtrabaho. Mas uunahin talaga namin ang aming trabaho dahil isa ito sa pangako namin sa pagiging guro. Kahit anong oras kung tatawagin ng prinsipal, kaylangan mong iwanan ang ginagawa mo.
Sa dami ng mga gawain, makakapagpahinga nga ba ang mga guro? Para sa akin ay hindi. Pero, depende na talaga iyan sa diskarte ng guro kung paano nya dalhin ang sariling oras nya. Ika nga, time management ang kaylngan para may oras pa din sa pamilya. – Clea | Helpline PH