Kontribusyon ng Philhealth
Usap usapan ngayon sa social media ang bagong timetable na inilabas ng Philhealth. Nakasaad dito na sila ay mag i-increae ng kanilang kontribusyon ngayong 2021.
Lahat tayo ay hindi pa nakakabangon sa pagkalugmok dala ng pandemya. Batid ito ng nakakataas ngunit heto sila at pilit itaas sa 3.50% ang kontribusyon ng mga Pilipino.
Marami ang apektado ng pagtaas na ito, kadalasan ay mga empleyado ng gobyerno. Isa na sa maaapektuhan dito ay ang mga guro.
Heto ang iilan sa mga hinaing ng mga guro sa planong pagtaas ng kontibusyon ng Philhealth:
Tataasan ang kontribusyon kaya wla na namang matira sa mga payslip ng mg guro.
Paniguradong sa utang pa din ang bagsak ng mga guro dahil pa taas ng pataas ang mga kontribusyon. Kontribusyon na sana ay nakakatulong ngunit hindi naman mapakinabangan.
Hindi naman nagagamit ng lubos ang benipisyo ng Philhealth.
Wala namang taong gustong magkasakit. Okay sana kung ang mas mahirap ang makinabang pero di naman lubos magamit ang serbisyo. Kung magkakasakit ka, iilan lang naman ang kinaklatas sa kabuuan ng billing.
Linawin muna nila ang milyon milyong nawala tsaka na sila mag taas ng kontribusyon.
Bakit sa mga ordinaryong empleyado itaas ang kontribusyon? Dapat sana ay linawin ng Philhealth ang mga milyon na nawala sa pondo at saan napunta ang mga iyon. Kakalimutan nalang ba iyon?
Sana optional nalang sa mgua guro ang magpa member sa Philhealth.
Kung pwede lang sanang hindi magpa member ng Philhealth. Total marami naman ang mga private institutions na mas matino pa.
Walang pagbabago ang Philhealth.
Walang pagbabago ang sistema ng Philhealth mula noon hanggang ngayon. Ang mga tao ang kawawa.
May kakarampot na increase sa sahod ang mga guro ngunit parang lang din.
Bakit kapag may increase sa sahod naming mga guro ay tsaka naman itataas ang mga kontribusyon na yan? Sana man lang ibigay nyo nang balato ang kakarampot na sweldo namin.
Mga ordinaryong empleyado ang kawawa samantalang payaman ng payaman ang mga kurakot.
Ito ang totoong nagyayri sa ating bansa. Kawawa ang mga ordinaryong tao samantalang ang mga nasa itaas ay patuloy sa pagyaman. Hindi na yata mawawal ang korupsyon dito sa ating bansa.
Batid nating lahat ang kahirapan ng ating bansa sa kasalukuyan. Sana lang ay mabigyan ng pansin ang lahat ng hinaing ng mga mamamayan ng ating lipunan. Sa pagkakataong ito, wla naman talaga tayong magagawa dahil sila din naman batas. Malaking bagay talaga ang maayos na pamamalakad ng mga nasa itaas. Dapat sana sila ang sumbungan natin sa lahat ng ating hinaing.
Ganito man ang sitwasyon ng bansa natin, huwag sana tayong mawalan ng pag-asa. Kakapit tayo sa pag-asang may isang araw kung saan magbabago ang takbo ng kaban ng gobyerno. – Clea | Helpline PH