Hindi sang-ayon ang mga magulang sa plano ng deped na e-extend ang klase
Maugong ngayon sa social media ang plano ng DepEd na e-extend ang klase. Balak din nilang gawing dalawang lingggo lamang ang bakasyon ng mga bata. Dahil sa isyung ito, maraming mga magulang ang nagpahiwatig ng kanilang mga sentimento.
Marami sa mga magulang ang hindi sang-ayon sa planong ito. Heto ang iilan sa mga rason kung bakit negatibo sila sa planong ito.
1. Ang ibang mga magulang ay OFW kaya hangad nilang umuwi sa bansa ngayong bakasyon.
Ayon sa mga magulang na OFW, ito lang ang panahon kung saan makakasama nila ang kanilang mga anak. Plano nilang igugol ang lahat ng oras nila sa bonding at hindi sa modyul.
2. Umiikot ang buhay ng mga magulang sa modyul.
Ngayong pandemya, mga magulang ang nagsilbing guro ng mga bata. Gusto din sana ng mga magulang na makapag pahinga sila at makalanghap ng sariwang hangin.
3. Ayaw ng mga magulang na tuloy tuloy ang gawain ng mga bata lalo pa at hindi pa face to face.
Dahil nga hirap at pagod na ang mga magulang, gusto sana nilang mga “break” ang kabataan sa modyul. Ito ay nangangahulugang “break” din ng mga magulang.
4. Stress na ang ibang mga magulang .
Stress ang ibang magulang dahil kadalasan, sila ang tumatapos sa modyul ng anak nila.
5. Hindi biro ang pagod ng mga bata, magualang at guro at ngayon dadagdadagn pa.
Marami nga din naman talagang bata ang medyo napapagod na sa wlang humpay na modyul. Kung may bakasyon man ay paniguradong makakapag pahinga ang mga bata sa gawain nila.
6. Hindi na epektibo ang module dahil sa sobrang dami tapos ngayon wala pang “break”
Totoo nga na hindi masyadong epektibo ang modyul subalit ito ay nakatulong din. Nairaos nito ang halos isang taong idinulot ng pandemya. Kahit papaano, ang modyul ang tulay na hindi napuputol ang edukasyon ng mga bata.
Iba iba man ang kadahilanan ng mga magulang, ang disisyun ay sa DepEd pa rin mang-gagaling. Ang tanging magagawa na lamang ng karamihan ay maging handa sa mga darating na araw. – Clea | Helpline PH