Helpline PH

Your one-stop resource for government services in the Philippines

Sadyang lumaki na po ata ang eyebags ko sa mga modules nyo: Hinaing ng isang magulang sa DepEd

Table of Contents

Hinaing ng isang magulang sa DepEd

Nagviral ngayon ang post ng isang magulang na tila mala-halloween ang tema o di naman kaya tila nabugbog ito at sadyang kalaki-laki ng eyebags.

Nais iparating ni Tinta Disenyo na may mga magulang na sadyang nahihirapan pagkasyahin ang kanilang oras para sa trabaho at para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Sa bagong pamamaraan ng DepEd kung saan ipinatutupad ang blended learning, talagang kinakailangan ang gabay at tulong ng mga magulang sa pag-aaral ng mga anak. Ang mga magulang na ang tumutulong na sagutan ang mga modules. Pero sadyang mahirap ito para sa mga magulang na naghahanap buhay upang may makain ang pamilya. Tila wala silang pahinga, ayon sa post ni Tinta Disenyo.

Basahin ang kabuuang post ni Tinta Disenyo sa ibaba.

Dear Deped.

Advance Happy halloween po sainyo..hindi po ako nanakot, o nagulpi ng siga sa may kanto, sadyang lumaki na po ata ang eyebags ko sa mga modules nyo🤣. Naisahan nyo kaming mga magulang. May trabaho pa po kami. Paano na kami mag hahanap buhay at kakain kung sa pag sagot palang ng modules ay ubos na ang oras namin?

Grade 3 palang ang anak ko 10pcs. modules. May ibang anak pa ako. 10 din ang modules. English palang dumudugo na ilong at tenga ko, aabot na sa leeg ang eye bag ko. Wala pa ang math at ang malalalim na tagalog nyo sa Filipino. Konting konsidirasyon naman maawa naman kayo!

Lubos na gumagalang.

Tinta Disenyo.

Source: Tinta Disenyo

OUR LATEST POST