Bakit hindi magkakaroon ng normal na buhay ang mga guro?
Ang buong akala ng nakararami ay madali ang maging guro. Lingid sa kaalaman nila ang mga hirap at pakikibaka ng mga guro sa kanilang tungkulin.
Bakit nga ba hindi magkakaroon ng normal na buhay ang mga guro? Narito ang iilan sa mga rason.
1. PANGHABANG-BUHAY NA PANGAKO
Tulad nga ng pag-aasawa, ang pagiging guro ay pang habang-buhay na pangako. Hindi mo ito basta-basta nalang itakwil at iwanan. Lungkot at saya na kaakibat dito ay dapat mong yakapin.
2. SARI-SARING TUNGKULIN
Bukod sa tungkulin mo sa sarili mong pamilya, tungkulin sa trabaho na din ay kasama. Hindi lamang tungkulin sa paaralan at estudyante ang iisipin mo. Dagdag na dito ang tungkulin mo bilang pangalawang magulang sa mga bata. At syempre, may tungkulin ka rin sa iyong bansa.
3. ANG EMOSYON AY NAHATI SA IBA’T-IBANG DIREKSYON
Ang emosyon ng isang guro ay hindi lamang para sa kanyang pamilya. Kadalasan mananatili ang pagiging isang “guro” sa kanyang mga estudyante. Kung may mga problema ang mga ito, tanging si guro ang todo rescue.
4. WALANG PAHINGA SA GAWAIN
Ang mga gawain sa paaralan ay nadadala na din sa tahanan. Ito ay hindi na bago sa mga guro.
5. MGA KASAMAHAN SA TRABAHO
Kung ikaw ay isang guro at ang mga kasamahan mo ay pawang mababait, magpasalamat ka. Kadalasan kasi, meron at meron talagang mga kasamahan sa trabahao na mahirap pakisamahan.
6. ANG BAKASYON AY HINDI TALAGA BAKASYON
May bakasyon man na naturingan, hindi naman talaga ito purong bakasyon. Marami pa ring paperworks at mga dapat na tapusin kahit naka bakasyon ang mga guro.
7. MARAMING MGA MATANG NAKAMASID
Para kaming artista na kahit saan magpunta maraming aaligid na mga mata. Minamasdan nila lahat ng aming mga galaw at naghihintay na kami ay magkamali.
8. UNA ANG PAARALAN BAGO LAHAT
Ang “motto” ng mga guro ay unahin ang paaralan bago sarili. Kaya nga kahit Sabado o Linggo man yan basta tawag ng paaralan ay bawal humindi.
9. BAWAL MAGKASAKIT
Walang lugar ang mga sakit sakit sa mga guro. Kadalasan iniinda lamang ang mga minor na sakit kaya nga marami din ang sa ospital dumidiritso. Dahil ininda ang noon ay konti lamang kaya lumala at nadiritsuhan.
10. KASALANAN NG ISA AY KASALANAN NG LAHAT
Kung magkakamali ang isang guro, paniguradong pagpi-pyestahan ang sambayanan ng kaguruan. Hindi naman talaga dapat maiiwasan na sa isang grupo ay meron talagang naiiba.
Sa lahat ng pagkakataon, tungkulin ang mananaig sa aming mga guro. Namumukod din ang pasasalamat namin na kami ay instrumentong natatangi. Mahirap man ang aming trabaho, mahal namin ito at kaya naming magsakripisyo. – Clea | Helpline PH