Bakit dapat mag masteral at mag doktoral ang mga guro?
Hanggang kaya pa ng katawan at utak ay hindi hihinto ang mga guro sa pag-aaral. Kanya kanyang diskarte ang mga guro na hatiin ang kanilang mga oras para dito.
Ano ano nga ba ang dahilan at bakit halos lahat ng mga guro ay nag mamasteral at doktoral?
1.Para sa promosyon
Ito ang pinaka unang dahilan ng mga guro sa pagkuha ng master’s degree. Sa henerasyon kasi ngayon, mas angat ka sa promosyon kung may masteral ka. Ito ay ang bala mo sa lahat ng labanan sa buhay.
2. Para pwedeng mag aplay ng pagka Principal
Ang masteral ay para pam-promote hanggang Master Teacher. Ang doctoral naman ay para sa pagiging prinicipal. Hindi na kasi ngayon basta-basta nag mag-aplay sa posisyun kung wala kang pinanghahawakan.
3. Pansariling tagumpay
Ang iba naman sa mga guro, gusto lamang talagang maging handa sa hinaharap. Mas madali nalang ang promosyon kung kahit sa anong oras ay handa na ang mga bala mo. May iilan din sa mga guro na mas natutupad ang kanilang layunin sa pamamagitan ng pagtatapos.
4. Para umangat ang sahod
Ito ay ang pinaka totoo sa lahat. Syempre, nagta-trabaho ang tao dahil sa sahod para matustusan ang kanyang pangangailangan. Para naman umangat ang sahod, dapat ay ma-promote ka.
5. Para maging mas magaling sa larangan
Ang pag-aaral at pagtatapos ng masteral at doktoral ay nanga-ngahulugang magaling ka. Ito ay simbolo ng pagiging eksperto mo sa iyong larangan. Mas maraming tao ang pupunta sayo at magpapatulong dahil ikaw ay mas nakaka-angat.
Sa panahon ngayon, ito na bago sa larangan ng pagtuturo. Halos lahat na ng mga guro ngayon ay nag-aaral na ng masteral degree. Nakaka aliw ding makita na nagpupursige ang mga guro sa pag angat ng kanilang natutunan. Iba-iba man sila ng dahilan, pareho lang ang makikinabang at yun ay ang mga estudyante. – Clea | Helpline PH