Saan aabot ang 14th Month Pay mo?

Saan aabot ang 14th Month Pay mo? (Kwentong Teacher)

Saan nga ba aabot ang 14th Month Pay mo kaguro? Tatalakayin naman natin ang medyo nakakatuwang pahina ng ating buhay guro. Ngayon kasi ay hinihintay natin ang pagdating ng ating mid-year bonus 2021. Marami sa atin ang nag-aabang sa pagdating ng grasyang ito. Ang tanong, saan ba aabot ang 14th Month Pay natin?

Hanggang palad lamang:)

Pagdating ng 14th Month Pay, hanggang palad lang ito ng ilang minutos. Pagkataps, ubos na dahil ibinili ng grocey, gamit sa bahay at mga kaylangan ng pamilya.

Hawak kamay

Nahahawakan ng kamay ang bonus natin ngunit ilang araw lang din dahil sa mga gastusin.

Sa panaginip na lang kita makakamtan:)

Ito yung literal na sa panaginip nalang talaga makikita. (lol) Kadalasan ito ay dahil na sangla na mga ATM at pagka dating ng bonus, sukli nalang ang meron kami.

Hating kapatid

Sa pagdating ni bonus, e-hahati hati ang halaga sa mga dapat mapaglaanan. Mga tuition fee ng anak o kapatid, bills, at marami pang iba.

Pambayad utang ka lang

Ito ang medyo talagang kadalasang nangyayayri sa mga guro. Nakaka-relate ang lahat sa usaping ito.

Pandag-dag savings

Yung mga wala pang asawa at medyo nakaka luwag luwag sa buhay na mga guro, hindi pa nila alintana ang mga gastusin. Kaya naman may panlagay sila sa kanilang bangko.

Pang registration sa mga networking

Nakakatawang isipin pero maraming guro din ang sumasali sa mga networking. Hinihintay nila ang pagdating ng bonus para pang enrolment. đŸ™‚

Iba-iba ang kwentong bonus ng mga guro. Magkakaiba din ang indibidwal na panga-ngaylangan. Sa lahat ng mga ito, apaw pa din ang pasasalamat dahil sa biyayang ipinagkaloob. Ito din ay nagbibigay ng lakas ubang pagbutihin pa ang aming mga serbisyo sa mga bata. Ang mga kabataang tangi naming lakas upang mag serbisyo ng buo at mabuti. Sa lahat ng pagkakataon, bawat butil ng pawis na aming ibinibigay ay para sa lahat. – Clea | Helpline PH