Mga rason kung bakit kadalasang teacher ang hinahanap ng mga seaman upang pakasalan
Siguro ay napapansin nyo rin ang takbo ng pamumuhay ng mga guro dito sa ating bansa at kung gagawa tayo ng survey, mas marami talaga sa ating mga guro ay pawang seaman ang mga kabiyak sa buhay. Kadalasan talaga ng mga kaibigan ko halos lahat ay seaman ang mga asawa nila. Kung bakit ay aalamin natin ang mga rason at bakit gustong gusto talaga ng mga seaman na mag asawa ng mg guro.
1. Sabay sa trend ang ibang seaman at naghahanap talaga ng guro para maging asawa
Yung ibang seaman ay wala lang, gusto lang talaga nilang sumabay sa uso dahil na rin marami ngang seaman ang nakakapag asawa ng mga guro kaya parang trend o uso na sa kanila ito.
2. Mas maasahan ang guro pagdating sa bahay
Pagdating sa pamamahala ng bahay o tahanan, masasabing magaling talaga ang ,mga guro dito dahil na nga sa paaralan naman ay lagi din naman nila itong ginagawa dahil ang mga paaralan nga ay ang tinaguriang pangalawang tahanan ng mga kabataan at mg guro.
3. Maraming pinagkaka abalahan ang mga guro lalo na sa gawain sa skwelahan
Sa dami ng mga gawain sa paaralan at sa mga tahanan pa nila ay abala na talaga ang mga guro kung kaya ay panatag ang kalooban ng mga seaman na may asawang guro dahil alam nilang hindi magloloko ang kanilang mga asawa dahil sa trabaho nito at may moralidad din ang mga guro.
4. Mas sigurado sa guro kesa sa ibang trabaho
Sigurado ang mga seaman na kahit anong mangyari, meron at meron talagang magagamit na pera kahit sa mga panahun ng kagipitan dahil ang mga guro kahit hindi malaki ang sahod ay pwedeng makapag avail ng mga loan kung gipit na talaga.
5. Magaling humanap ng diskarte ang mga guro
Mas madiskarte ang mga guro lalo na sa paghahanap ng sidelines para lang maka tulong-tulong sa pag araw araw na pang gastos.
6. Magaling ang mga guro sa pag hubog ng pamilya
Dahil na rin sa trabaho ng mga guro, hindi na bago sa kanila ang angking galing sa paghubog ng pamilya lalo na sa kanilang mga anak habang ito ay lumalaki. Kung ang ibang kabataan nga ay natutulungan ng mga guro na maituwid ang kanilang landas para sa kinabukasan, lalo pa siguro ang sarili nilang mga anak.
7. Masinop sa pera ang mga guro at nailalagay sa maayos ang perang naipapadala ng mga seaman na asawa
Hindi nasasayang ang pinag hihirapan ng mga seaman kahit malayo sila dahil marunong mag budget ang mga guro at nailalapat nila ito sa tamang kalalagyan. Ito naman ang importante dahil nga dapat mag pondar habang may mga trabaho pa kung kaya ang mga naipapadala ay nasa mabuting mga kamay at habang nasa barko ang mag asawa nila, binubuo naman nila ang kanilang mga munting tahanan. Pagkauwi ng mg asawa nila, may mga magagandang proyekto na silang nakikita galing sa pinaghirapan nila ng maraming taon.
Ang artikulong ito ay binabatay ko lamang sa mga napansin kong pangyayari sa aking kapaligiran. Maari pong di lahat ng naisulat ko dito ay tama lalo na sa mga hindi guro ang propesyun dahil iba iba nga naman talaga ang linya ng bawat tao. – Clea | Helpline PH