Mga guro daw, nag e-enjoy, nag su-sweldo at walang ginagawa
Kahapon lang ay nag post ang DZRM News ng video patungkol sa mga guro. Nag-eenjoy lang daw ang mga guro at tumatanggap ng suweldo at wala daw ginagawa ayon sa video na iyon. Gusto ko lang gumawa ng isang reaksyon tungkol doon bilang isang guro din.
Masakit isipin na ganun lang pala ang pagtingin ng mga tao sa aming mga guro ngayon. Ang buong akala nila ay na e-enjoy namin ang pagkakataon ngayon at akala din nila wla kaming ginagawa habang patuloy ang pag tanggap namin ng suweldo. Una sa lahat, bilang isang guro, talagang masakit sa dibdib namin na marinig ang mga salitang iyon. Kasalanan ba namin na may pandemya ngayon at parang lahat na lang ay galit sa aming mga guro? Para sa impormasyon ng lahat, hindi kami nag-eenjoy ngayong pandemya dahil tao din kami at apektado din naman kami ng pandemyang ito, haler! Isipin nyo nga kung saan kami nag-eenjoy? Kung galit kayo sa amin dahil tumatanggap kami ng suweldo, siguro naman ay alam nyo din na kahit walang pasok ang mga bata ay nandoon pa din kami sa aming mga paaralan dahil gumagawa kami ng mga modules namin. Kung tutuosin nga ay mas mabigat pa ang trabaho naming ngayun kompara sa may face-to-face dahil kaylangan ihanda talaga ng maayos ang mga modules at pagkatapos ay sandamakmak na papel ang aming i-check sa loob ng isang linggo. Sa sinasabi nyo namang wla kaming ginagawa, heto at iba-baba ko lang ang mga trabaho naming ngayong pandemya.
1. Nag-wewebinar kami. Lahat ng mga guro ay uma-attend ng webinar para sa paghahanda namin s apagbubukas ng klase. May mga activities kami na gagawin pagkatapos ng webinar kaya kahit work from home kami ay may mga output kami.
2. May mga accomplishment reports kaming makakapag papatunay sa mga ginagawa naming kahit tatlong araw sa paaralan at dalawang araw sa skwelahan. Hindi pumapayag ang DepeD na wla kaming gagawin.
3. Mas malaki ang oras namin sa paggawa ng modules namin (para doon sa mga wlang modyuls galing sa itaas) at pag hahanda nito (mag-print).
4. Kahit wlang pasok ay pinupuntahan namin ang aming mga classroom at nililinis namin ang mga ito at sinisigurado na handa ito anumang oras may utos na mag face to face na uli.
5. Pagkatapos na mahatid ang mga modyul namin ay sandamakmak na papel naman ang aming i-tsetsek at ererecord.
6. May mga LAC sessions kami sa zoom at minsan pa ay pahirapan ang signal dahil hindi naman lahat ng lugar ay biniyayaan ng mabilis na internet signal.
7. Mga paperworks at reports na dapat tapusin dahil agad agad na kaylangan, at etc.
8. Kung trabaho lang ang pag-uusapan, nasa guro na ang lahat ng iyan. Kung wlang pandemya at may ipagagawa sa mga guro, wlang reklamo kayong ma ririnig sa amin. Ngunit ngayong may pandemya at hindi inihinto ang sweldo namin, parang ang laki ng kasalanan naming mga guro at panay ang kutya ng iba sa amin. Nananahimik lamang kami at nag tatrabaho.
Hindi kami nagre-reklamo sa trabaho namin lalo pa’t para ito sa ikabubuti ng aming mga mag-aaral. Ginagawa lang namin ang nararapat at sumusunod kami sa lahat ng utos galing sa itaas. Huwag kayong humusga kung hindi nyo naman alam ang sitwasyon. Tayong lahat ay apektado sa pandemyang ito at kahit papaano, unti-unti tayong bumabangon. Dapat sana ay magutulungan tayo at hindi nalang dapat magsisihan o mamintas sa mga trabaho ng iba. Gawin natin ang nararapat at huwag na ninyong pintasan ang trabaho naming mg guro. – Clea | Helpline PH